ISANG napakapait na paglunok ang aking napakawalan dulot ng tagpong hindi ko inaasahang aking masasaksihan.Kasabay rin ng paglunok ko na iyon ay ang pagdamdam ko sa kung paano nadurog ang puso ko dahil sa sakit nararamdaman ko. sakit na dulot ng tagpong nasa harapan ko.
Akala ko pa naman ay mapapadali ko ang misyon ko pero mukhang hindi ata.. dahil sa higad na nakadikit sakan'ya. At ang mas masama pa roon ay ang gago ni hindi man lang ako pinagtuonan ng pansin!
Napapatanong tuloy ako kung hindi ba nito naramdaman ang presensiya ko o sadyang busing busy lang talaga ito sa higad na nakadikit sakan'ya kaya hindi ako nito napapansin.
"Hoy pare! Nakikinig ka ba?!" rinig kong ani ni Deon kay Dashiel na magpahanggang ngayon ay busing busy pa rin sa pakikipaglandian sa babaeng nakaupo sa kandungan niya.
Actually, kanina pa pilit na kinukuha ni Deon ang atensiyon niya sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan nito pero ang gago tila wala man lang naririnig. Dahil imbes na pagtuonan ng pansin si Deon ay ipinagpapatuloy lamang nito ang ginagawa nitong pakikipaglandian.
"Hoy Dashiel!" sa pagkakataon na ito'y 'yong lalaking sinamahan ko na papunta rito ang tumawag sa atensiyon nito sa pagkakaalam ko'y Storm ang pangalan.
Nagpakilala na kasi ito sa akin e kaya alam ko na ang pangalan nito. Well, sa katunayan nga'y pati 'yong mga kaibigan niya'y nagpakilala na rin sa akin.. puwera na lang sa isa.. at iyon ay ang punyemas na lalaking iyon at ang kalandian nito.
Actually, hindi niya na naman kailangang magpakilala pa sa akin, 'cause I already know his name, pero dahil hindi alam ng mga kaibigan niya ang tungkol roon—puwera na lang kay Storm—ay todo agaw pansin pa rin ang mga ito sa atensiyon niya para makapagkilala ito sa akin.
"Dash!" Sa pagkakataon na ito'y 'yong lalaking may nakakaintimidad na na aura ang tumawag sa pangalan niya. Bahagya namang nanindig ang mga balahibo ko ng marinig ko kung gaano kabaritono ang boses nito. Napakabaritono nito na paniguradong kukuha talaga sa atensiyon ng kahit sino. Lalo na't sinasabayan rin ito ng nakakaintimidad niyang aura.
At tama nga ako sa hinuha ko na iyon dahil matapos magsalita no'ng lalaking may baritono na boses na sa pagkakalaam koy Shawnel ang pangalan ay segundo lamang ang lumipas at agaran ng napalingon sa gawi namin si Dashiel. Isang palatandaan na nakuha nga niya ang atensiyon nito.
"What?" asik na tanong ni Dashiel rito sabay harap sa gawi ni Shawnel.
"Ang sabi ko'y magpakilala ka." Imbes na si Shawnel ang dapat sumagot sa tanong nito dahil siya itong tinanong, si Deon ang sumagot.
Mula sa pagtingin sa gawi ni Shawnel ay nalipat ang tingin ni Dashiel kay Deon dahil sa mga narinig, "Saan?" taka ngunit nagkasalubong ang kilay na tanong nito.
"Yeah, kanino?" segunda naman no'ng malanding higad na sa pagkakataon na ito'y kandung-kandung niya pa rin. Palihim tuloy akong napairap dahil roon. Ang pa bebe kasi e, e mukha namang buyog ang mukha. Tss.
Ininguso ni Deon ang gawi ko. Sinundan niya naman ng tingin ang gawi no'ng nginusuan ni Deon.
Kitang kita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano nanlaki ang mga mata niya ng magkatitigan kami. Na tila ba'y nagulat siya ng makita niya ako.
Kitang kita rin mismo ng dalawang mga mata ko kung paano sunod-sunod na nagtaas baba ang adams apple niya. Isang palatandaan na sunod-sunod siyang napalunok ng makita ako nito.
Nakita rin mismo ng dalawang mga mata ko kung paano mawalan ng kulay ang mukha niya na tila ba'y nakakita siya ng multo.
Palihin tuloy akong napangisi dahil roon. Gulat ka 'no? Gulat ka sir 'no?
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...