Kabanata 65

3.1K 69 4
                                    

HINIHINGAL akong napasandal sa pintuan na nasa likod ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom. Hingal na hingal ako na tila ba'y galing ako sa isang napakahabang marathon, well in fact hindi naman gano'n kahabang kilometro ang tinakbo ko. Para lang tanga.

Napaayos ako sa pagkakatayo ko ng makarinig ako ng isang pagtikhim. Sinundan ko ng tingin ang gawi no'ng pinanggalingan ng tikhim na iyon at para akong nawala sa sarili kong ulirat ng makita kong nakatuon na pala sa akin ang atensiyon ng mga naririro. Kabilang na doon ang atensiyon no'ng matandang babaeng guro na sa palagay koy strict.

Pinamulhanan ako dahil sa kahihiyang natamo. Like damn. Ang tanga ko. Ang tanga tanga ko!

"Who are you, miss? And what the hell are you doing here?" Taas kilay nitong tanong. Napalunok naman ako dahil roon.

I was about to answer her question ngunit napatigil ako ng mapagtanto kung nasa isang hindi pamilyar na silid ako.

Sinuyod ko ng tingin ang mga taong naririto at halos mahimatay na ko dahil sa hiya na nararamdaman ko ng mapagtanto kong hindi ito ang classroom ko. Kaya naman pala hindi pamilyar sa akin ang classroom na ito at ang mga estudyante na naririto. At kaya rin naman pala tinanong niya ko kung ano ang ginagawa ko rito. Like fuck, sasagutin ko pa naman sana siya ng 'ano sa tingin mo ang ginagawa ko rito?!

Damn. Mabuti na lang at napatigil ako. Kasi kung hindi, paniguradong another kahihiyan na naman 'yon. Like fuvk, lupa bumukas ka at lamunin mo 'ko!

Isang nahihiya at hilaw na ngisi ang binitawan ko para sakanya ng makabawi na 'ko. Kapagkuwan ay dali-dali akong lumubas sa classroom na iyon ng walang paalam. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay narinig ko pa kung paano ako nito tinawag. Ngunit hindi na ko lumingon pa dulot ng hindi ko na kaya ang pagpapakahiya ko. Damn.

Nyeta! Broken na nga ako, napahiya pa! Nakanguso ako habang binabagtas ang daan papunta sa totoong room namin. Sa ikalawang room kasi pala ako pumasok imbes sa ikatlo kaya ayon, napahiya si ako.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha ko dulot ng pagkakapahiya na nakuha ko kanina. Like heck, hindi ko inaakalang aabot sa punto na mapapahiya talaga ako dahil lang sa letseng pag-ibig na iyan.

Sa totoo lang wala na 'kong balak na pumasok pa dahil sa kaisipang makikita ko na naman siya and worst baka kasama niya pa siya. Pero kailangan e, baka kasi aakalain niyang kaya hindi ako pumasok ay dahil broken. Like fuck, no way! Hinding hindi ko ipapakita sakanya, na nasaktan niya 'ko, na naging broken ako dahil roon!

Mula sa pagkakayuko ko'y napa-angat ako ng tingin ng makakita ako ng isang pares na maitim na sapatos. Pagtingala ko'y wala sa sariling nahigit ko ang aking hininga bago napahakbang ng paatras dulot ng pagkakita ko sa pagmumukha niya.

Kasabay rin niyon ay ang muling panumbalik sa isipan ko no'ng mga nasaksihan ko kanina, lalo na no'ng makita ko ang mapupula niyang mga labi na kani-kanina lang ay may kahalikang iba. Damn! Para na namang pinipilipit ang puso ko dahil sa sakit.

Maagap kung inalayo ang kamay ko ng magbalak siyanh abutin ito. Mabuti na ñanang at nailayo ko ito agad kasi kung hindi, paniguradong mahahawa ako sa bacteria na meron siya, ang bacteria'ng nakuha niya sa babae niya.

"H-ey," garalgal ang boses na tawag nito sa akin. "Let me explain fi—"

"—no need," putol ko pa sa balak nitong sasabihin na siyang nagpa-igting sa panga nito.

"No!" mariin nitong sambit bago muling inabot ang kamay 'ko and this time tuluyan na nga niya itong naabot. Hindi kasi ako naging maagap. "We need to talk. Let me—" before he could continue again, I cut him off.

"As what I've said, no need because in the first place there's nothing between the both of us." Marahas kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Kapagkuwan ay tinalikuran ko ito, facing the door.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon