NAPATIGIL si Mitz sa ginagawa niyang pagsasalita dahil sa sinabi ko."Ha? E, nandito na ba tayo?" he asked sabay pasada ng tingin sa buong kapaligiran.
'Tumango naman ako, "Oo, sa katunayan nga'y iyon ang bahay namin." sagot ko sa tanong niya sabay turo sa gawi no'ng bahay na tinutuluyan ko.
At habang nagsasalita ako'y lakas loob ko talagang pinigilan ang sarili ko na huwag manginig at mautal kahit nay 'yong mga talim na titig mula sa likod ko'y para ng isang patalim kung makatitig.
Nakita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Na siyang hindi ko na naman ikinabigla pa. Sanay na kasi ako e, sanay na ako sa reaksiyon ng mga taga dito sa tuwing nalalaman nila na do'n ako nakatira sa bahay na iyon.
Ang gulat na nakita ko sa mga mata niya'y napalitan ng pagkamangha dahil sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nagtaka tuoly ako, e kasi naman, hindi ba't ang dapat kung makitang reaksiyon ng mga mata niya ay takot kagaya nila? E bakit sa pagkakataon na ito'y gulat lang at pagkamangha ang nakikita ko? Nakakapagtaka ah.
"Ahhh.. so ikaw pala 'yong sinasabi nilang pambira?" he asked and I nodded. Wala naman kasing makukuha sa akin kung sasabihin ko ang totoo e, kaya tumango na ako.
At saka isa pa, hindi na ako nagulat pa ng marinig ko ang sinabi niya na ako ba daw yong sinasabi nilang pambira dahil alam ko ng ang tungkol sa bagay na iyon. Alam ko na na may kumakalat na tsismis rito, tsisimis na nagsasaad na pambira ako.
Naalala ko pa, no'ng malaman ko ang tungkol sa tsismis na iyo'y ni isang galit sa katawan ko'y wala akong naramdaman. Naiintindihan ko kasi sila. Naiintindihan ko sila sapagkat kung ako ang nasa mga paa nila, paniguradong napagkamalan ko rin na pambira ang sarili ko.
Sino ba naman ang hindi mapagkakamalan kung hindi ka lumalabas ng bahay? Ni hindi ka naiinitan. Lumalabas ka nga pero hanggang sa veranda lang ng bahay o hindi kaya'y garden? Sino ang hindi mapagkakamalan no'n na pambira?
Nagsimula ang tsismis nila na pambira raw ako ng minsang may makakita sa akin na nakatambay sa veranda. Kapitbahay namin ito rito, at dahil nabigla ito dahil first time pa daw ako nitong nakita, e samantalang halos araw-araw naman nitong nakikita si Storm ay nagulat talaga ito. Dahilan, para mapatanong ito kay Storm kung pambira ba daw ako, kasi parang takot akong mainitan.
At hindi ko inaakalang may nakikinig pala na marites habang nag-uusap 'yong babae at si Storm. At dahil na mis-interpret ng marites na iyon ang tungkol sa usapan no'ng babae at ni Storm ay tsinika nito ang tungkol sa bagay na iyon sa mga kasamahan niyang Marites. At roon nga nagsimula ang spektekulasyon na pambira raw ako.
Pero imbes na makaramdam ng galit dahil sa ikalawang pagkakataon ay muli na namang nadungisan ang pangalan ko'y wala akong naramdaman. Sa katunayan nga'y napapatawa na lang ako. Ewan ko ba kung bakit, pero siguro dahil ito sa kadahilanang mas malala pa 'yong kumalat tungkol sa akin noon kesa sa ngayon.
Mas malala pa 'yong scandal ko tungkol sa bagay na pambira ako.
Ang tsismis nila na iyon ay nawala rin naman nitong nakaraang araw, nawala ito since no'ng magsimula na akong lumabas ng bahay. At dahil roon, ang dating mailap na mga kapitbahay sa akin ngayon ay nakakasundo ko na.
Pero hindi pa rin nawawala sa iba 'yong takot at pangamba da tuwing nakikita nila ako. Na tila ba'y takot sila na sakmalin ko. Which is hindi ko naman sila masisi. Kaya nga nakakapagtaka e, kung bakit parang hindi naman ata natatakot 'tong lalaking 'to sa akin. Hindi kagaya no'ng iba.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ko sakan'ya na ni isang pagkatakot ay wala akong nakita sa mga mata niya despite sa mga nalaman niya.
Tumango siya, "Hindi eh," sagot niya na siyang nagpatango sa akin.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...