Kabanata 81

3.9K 98 12
                                    

THEY will beg. They will cry. They will ask me to spare their lives and surely river of blood and tears will flow and no one can stop me! No one!

Luha ang nasayang kung kaya't luha rin ang kapalit. Buhay ang nawala kaya't buhay rin ang kapalit and no one can ever stop me! No one!

Ang mga kataga na iyon ay ang paulit-ulit kung itinatak sa utak ko habang sinusuntok ang punching bag na nasa harapan ko.

Gigil ko itong pinagsusuntok. Gigil na gigil to the point na halos malugmok na ito. But heck, the hell I fucking care! Malugmok na kung malugmok pero hindi ako titigil!

Ang panggigil na nararamdaman ay mas lalo pang tumindi ng maimagine ko ang pagmumukha niya sa punching bag na nasa harapan ko. Dahilan para mas masuntok ko pa ito.

At ang panggigil na nararamdaman ay mas lalo pang tumindi ng may maimagine na naman ako, but this time hindi na lamang siya ang nag-iisa kundi pati na rin ang babae niya'ng sobrang mahal niya... sa sobrang mahal niya ito'y nagawa niya akong saktan at ipagkalulong.

I punched the punching bag once again. At ng hindi makuntento'y sinipa ko na rin ito.

Sa pagkakataon na ito'y tagaktak na ang pawis ko—naliligo na ako sa sariling pawis ko. Kanina pa kasi ako rito e, kanina ko pa pinag tri-tripan itong punching bag na nasa harapan ko. Pero ewan ko ba kung bakit, pero ni isang pagod ay wala akong naramdaman. Ni isang pagod ay wala akong nararamdaman habang sinusuntok ang nyetang punching bag na nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil ito sa kagustuhan ko, sa kagustuhan kong makipaghigante sa mga letseng sumira sa buhay ko at ng anak ko.

The anger inside of me, is making me feel alive. Kung noo'y wala ng kabuhay-buhay ang katawan ko. Ngayon naman ay meron na, hindi kagaya no'ng isang linggo na halos buto't balat na lamang ako.

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng magising ako sa katotohanan... sa katotohanang kahit na'y anong gawin ko'y hindi na nito maibabalik pa ang buhay na nawala at ang nakaraan na lumipas na.

Isang linggo na ang lumipas simula ng magising ako sa bangungot at mamulat sa realidad na pilit kong tinatakasan. Isang linggo na ang lumipas simula ng mapag-isip isip ko na hindi naman tama na ako lamang ang magdusa habang sila'y nagpapakasaya, 'diba? Napaka unfair niyon. Kaya nararapat lamang siguro na iparamdam ko sakanila ang sakit, puot at pagdadalamhati na nararamdaman ko sa loob ng ilang taon.

Isang linggo na ang lumipas simula ng mapagtanto ko na oras na para sila na naman ang magdusa.. At sa loob ng isang linggo na iyon ay maraming nagbago. Kabilang na doon ang way of living ko at ang physical appearance ko.

I am slowly gaining the weight that I lost years ago and right now, unti-unti ng bumabalik ang composure ko at ang appearance ko.

Thanks to Storm who helped me on how to do the proper exercise and diet. Thanks to Storm who never leave my side. Aside of helping me on gaining my strength and body again, he also helped me on how to protect myself incase na may masamang mangyari. Self defense, you know.

I am slowly gaining the happiness that I lost years ago.. hindi lamang ito basta-bastang happiness dahil may evilness rin ito.

Hindi ko inaakalang ang galit lang pala ang muling bubuhay sa patay kong dugo.. kung alam ko lang sana, edi sana noon ko pa pinakain ang sarili ko sa galit. Kung alam ko lang sana, edi sana matagal na akong nagpatangay sa agos ng kampon ng kadiliman.

Pain can really change people at isa na ako roon. Isa na ako sa best example sa bagay na iyon. 'Cause look at me, changing myself into a better one.. And I am pretty sure that this better version of mine will make their life in pain and sorrow.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon