KABANATA 8
"Jeanshe!"
"Spencer!"
Nagkatinginan kami ni Shawnel nang sabay naming naibulas ang mga katagang iyon. Ang emosyon na nakikita ko sa mga mata niya ay ang siya ring emosyon na makikita sa mga mata ko. Ang emosyon na labis na pagkabahala at pag-aalala.
Lahat kami ay nagulantang sa nakita namin. Lahat kami ay tila napako sa mga kinatatayuan namin ng makita namin ang pagbagsak ni Spencer sa hapag dulot ng mga bala na tumama sa likod nito.
Ang pagkabahala na nararamdaman namin para kay Spencer ay nawala nang makita namin kung paano ito gumapang palapit sa gawi ni Jeanshe. Nakahinga kami dahil doon, akala kasi namin, ikakamatay na niya ang mga bala na iyon. Pero mukhang nagkakamali lang pala kami dahil sa gitna ng kanyang paghihirap ay nagawa niya pa rin gumapang palapit sa gawi ni Jeanshe. Perks of being a masamong damo. 'Pag masamong damo kasi, asahan niyo ng matagal talaga yang mamatay kahit na'y nag-aagaw buhay na iyan.
Ngunit ang nabawasan na pag-aalala namin na iyon ay muling bumalik ng makita namin kung paano tutukan ni Vildamir si Spencer ng baril. Habang si Spencer naman ay patuloy pa rin sa ginagawa niyang paggapang mahawakan lamang ang kamay ni Jeanshe.
I nodded at Shawnel when our eyes met. A nod na nagpapahiwatig na ito na ang tamang oras na gawin namin ang plano namin. Tila nakuha naman ni Shawnel ang ibig sabihin ng pagtango ko na iyon dahil dali dali itong tumungo sa likod na bahagi ni Lucille ng may pag-iingat. May pag-iingat ng sa gayon ay maiwasan niyang makagawa ng kahit na ano na ingay, nang sa gayon ay hindi maudlot ang plano namin.
Muli akong napatitig sa gawi ni Spencer ng makarinig uli ako ng pagpapaputok. At wala sa sariling ako'y napaluha na lang ng makita ko kung paano umagos ang dugo mula sa bibig niya at ang mga luha mula sa mga mata niya habang pilit niyang inaabot ang kamay ni Jeanshe.
Nakakadurog ang eksena sa mga oras na ito. Na tila ba'y nasa isa kaming aksiyon movie at silang dalawa ang bida. Na kahit sa kagipitan at katapusan ay pinipilit pa rin nilang pairalin ang wagas nilang pag-iibigan.
We may be kill. We may be kill without any mercy and hesitation. We may be a psycho but afterall, we can still feel emotions which made us cry.
Marahas kong pinunasan ang mga luha na kumukuwala mula sa mga mata ko ng mapasinghot ako. Pagkatapos ay nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga, trying to be strong dahil sa mga pagkakataong ito'y bawal ang maging mahina. Bawal ang maging mahina lalo na't may buhay pa kaming ililigtas.
Muling lumandas ang mga luha sa pisnge ko ng makita mismo ng dalawang mga mata ko kung paano itinutok ng pisteng Vildamer na iyon ang baril na hawak hawak niya.
Gustuhin ko mang lumabas mula sa pinagtataguan ko atsaka magpakawala ng sunod sunod na bala para kahit papano'y mailigtas ko siya, ay hindi ko magawa dahil sa kadahilanang kapag ginawa ko ang bagay na iyon ay paniguradong masisira ang plano na ginawa ni Shawnel, at kapag nasira ang plano niya na iyon ay paniguradong malalagay sa panganib ang buhay ng mga ililigtas namin. And worst is that they might died at the end.
Dalawang magkakasunod na pagputok ang umalingaw-ngaw sa buong katahimikan ng lugar na iyon, kasabay niyon ay ang impit na pagdaing ni Spencer at ang pagdaing ni Lucille. Kasabay rin niyon ay ang pagtili nong babaeng nag ngangalang Jazmine.
Nilingon ko ang gawi ni Shawnel upang tignan kong nagawa ba niya ng tama ang plano niya, at wala sa sariling ako'y napangiti ng makita kong hawak hawak na niya si Speare samantalang ang dating si Lucille na may hawak hawak kanina kay Speare ay ngayon ay nakaluhod na sa sahig habang iniinda ang tama sa binti, ang tama na kagagawan ni Shawnel.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...