Kabanata 6

10.6K 140 5
                                    

KABANATA 6

Matapos niyon ay hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng tingin-hindi na ako nag-abala pang intindihin ang kagaguhan nilang dalawa. 'Cause obviously, wala namang patutunguhan ang pag-uusapan nila, so instead na mag-aksaya pa ako ng oras kakatuon sa atensiyon ko sakanila'y itinuon ko na lang ang buong atensiyon ko sa binabasa ko nang sa gayon ay may maisasagot ako sa exam ko mamaya.

Actually, naaral ko na naman ang iba sa mga ito kagabi ngunit ang mga naaral ko na iyon ay hindi sapat para masiguro 'kong maipapasa ko ang test ni sir mamaya. Dapat kasi one hundred percent akong sigurado na maipasa ang test na ito kung kaya't pilit ko talagang itinutuon ang buong atensiyon ko sa binabasa ko kahit na'y nagsisimula na akong mawala sa pokus dahil sa ingay ng mga tarantadu kong mga kaklase na ngayon ay nagsisipasukan na sa classroom, isang palatandaan na natapos na nilang sagutan ang exam ni Ma'am Buenaventura kanina.

I need to pass this exam dahil kapag hindi ko naipasa ang exam na ito'y paniguradong bababa ang grades ko at sa oras na bumaba ito'y paniguradong mawawala sa akin ang scholarship na meron ako. I know that I am pressuring myself because of this, but I can't do anything about it. Kung sana'y buhay pa sana sila sir Carson, paniguradong hindi ako naghihirap sa buhay ko ngayon at panigurado ring hindi ko prini-pressure ang sarili ko ngayon.

I am an Carson Scholar since I was elementary, at dahil doo'y hindi ko gaano nararamdaman ang pressure sa pag-aaral ko, okay lang kasi sakanila na may grade ka na eighty as long as 'yong average mo ay 90. Hindi katulad dito na kailangan talaga 90 above ang grades mo.

At dahil rin sa pagiging scholar ko sakanila'y tanging ang pagtratrabaho lamang ang iniisip ko para sa pamilya ko. hindi ko na kasi prinoproblema ang pang tuition at ang mga miliscinous fee ko sa school dahil sila mismo ang nagbabayad nito and the best part is that every month ay may natatanggap kaming 5 thousand for pang baon namin sa school for month, minsan nga'y dinadagdagan nila ito ng another 5 thousand kapag ang general average mo'y umaabot sa 95.

I am really really grateful to become one of his scholars, dahil sa mga panahong iyon ay literal talaga na medyo guminhawa ang buhay ko-ang buhay namin, dahil ang kinikita ko noon sa pagtratrabaho ko'y nalalaan ko sa pag-iipon ko at yong 5 thousand na palaging ibinibigay sa akin ay doon ko kinukuha ang lahat ng gastusin ko dito sa bahay. From the meds of my lola, from the my baon sa school, from the bills and everything...

Akala ko noong una'y hanggang sa pag college ko ang scholar na iyon, akala ko noong una'y hanggang sa maka graduate ako ang scholar na iyon but everything fall apart when a sudden news came to us, ang balita na kung saa'y patay na si sir Carson na siyang nag papaaral sa amin. According to the news, his wife was being kidnapped by his owned mom becasue of undetified reason. At dahil nga doo'y binalak ni Mr. Carson na sagipin ang asawa niya, ngunit sa kalagitnaan ng pagsasagip niya dito'y pareho silang natamaan ng ilang bala na siyang naging dahilan kung bakit natapos ang buhay nilang dalawa.

At ang mas naging kalunos-lunos pa'y pareho silang naging abo ng sumabog ang pinangyarihan ng krimen na iyon. Wala silang nakitang bangkay sa pinangyarihan ng krimen na iyon kahit isa man lang, isang palatandaan na ang lahat ng mga nasawi sa trahedya na iyon ay purong naging abo. And the one who kinnaped? Andon sa mental hospital. Naging baliw daw. Naging baliw raw ito matapos nitong mapagtanto ang lahat ng kamalian na nagawa nito sa buhay nito. At 'yong kasabwat raw ng mama ni Sir Carson na siyang punot dulo ng lahat ay nakatakas raw at magpahanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin daw ng mga pulisya.

At ang iba rin namang nitong mga kasabwat ay nasa pangangalaga na raw ng mga polisya. Which is good. Kasi kahit papano'y nagkaroon rin ng hustisya ang pagkamatay nilang dalawa. At kasabay ng kanilang pagkawala sa mundong ito ay ang pagkawala rin ng scholarship ko at dahil doo'y muli ko na namang naramdaman ang kalbaryo ng buhay ko.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon