3 years later...
"MAMA, uuwi po ba si Daddy Tito ngayon?" Wala sa sariling napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong maliit na tinig mula sa likod ko.
Pagtingin ko'y doon ko nakita ang anak ko. Nakasubsob ang mukha nito sa mesa habang nag pa-pacute na nakatingin sa gawi ko.
Napangiti tuloy ako ng wala sa oras dahil sa tanawing nakita. Well, sino ba naman kasi ang hindi mapapangiti kung gan'yan ka cute na mukha ang sasalubong saiyo?
Hindi ko man gustong pawiin ang ngiting nakikita ko sa cute niyang mukha ay wala akong ibang choice kundi ang sabihin sakanya ang katotohanan. Ang katotohanang paniguradong sisira sa mood niya.
"Hindi ko alam baby e, pero mukhang hindi," sagot ko sa tanong niya na siyang nagpasimangot sakanya.
"Ganoon po ba mama?" Isang tango ang isinagot ko sa tanong niya, dahilan para mapanguso siya.
Natatawang napapailing tuloy ako ng muli kung ibinaling ang aking atensiyon sa mga hugasin na kasulukuyan kung hinuhugasan. Kakatapos pa lamang namin mananghalian kaya nama'y medyo marami-rami ang hugasin ko ngayon. Pero ayos lang since sanay na ako sa gawain 'to. Ito kaya ang trabaho ko no'ng nag-aaral pa ako.. no'ng buhay pa si lo—nevermind.
Pinabula ko ang sponge sa kamay ko bago ipinahid sa plato na hawak-hawak ko sa kabilang kamay ko. I cleaned it slowly, making sure na wala ng matitira na dumi roon. Baka kasi magkasakit ang anak ko e pag nagkataong may matira pang dumi roon.
"Kailan po ba siya uuwi kung ganoon mama?" Muli na naman akong napalingon sa gawi niya ng marinig ko itong magsalita. At roo'y nakita ko na naman ang cute niyang mukha na gustong-gusto ko talagang panggigilan everytime na nakikita ko ito.
"Hindi ko alam baby e, pero baka sa makalawa pa," sagot ko sa tanong niya bago muling itinuon ang atensiyon sa hinuhugas.
Narinig mismo ng dalawang tenga ko kung paano ito napabuntong hininga ng malalim. Na tila ba'y pinagsakluban ng langit at lupa ang mundo niya dahil sa narinig niyang sagot ko.
Napailing tuloy ako dahil doon. Ito talagang anak ko, kung makaakto, dinaig pa ang matanda. Matandang cute.
Napailing ako dahil sa naisip ko.
Hindi na bago sa akin ang ganoong reaksiyon niya dahil sa tuwing tinatanong niya ako kung kailan uuwi si Storm tapos gano'n ang sagot ko'y palaging ganoon ang reaksiyon niya. Ewan ko ba kung bakit pero siguro, dahil ito sa kadahilanang parang magkabiyak silang bunga ni Storm.
Sa mga panahon kasing nag re-recover pa 'ko mula sa panganganak ko at operasyon ko'y si Storm ang naging kasama niya. Inalagaan siya ni Storm na parang sariling anak niya kaya siguro iyon ang dahilan kung bakit siya makaakto ng ganoon.
Tapos kapag umuuwi naman dito si Storm ay maraming itong dalang pasalubong para sakan'ya. Tapos hindi na sila napapaghihiwalay pa na tila bay pinagdikit sila gamit ang isang pandikit na sobrang dikit. Kung kaya't hindi na talaga kapagtaka-taka kung ganoon ang reaksiyon niya.
Storm loves her so much to the point na kung anong gusto ng anak ko ay agaran niyang binibigay. Oo, ginawa niyang spoiled ang anak ko at siguro iyon ang dahilan kung bakit hindi na humihiwalay pa ang anak ko sakanya.
Napapatanong tuloy ako minsan kung sino ba talaga sa gitna naming dalawa ni Storm ang nagluwal sakanya since mas close sila ni Storm kesa sa akin mismo na ina niya. Pero siyempre ako pa rin, since wala namang belat si Storm e. Kidding.
It's been 3 years since I lost my ovarie. At sa loob ng tatlong taon na iyon ay ilang buwan rin akong nakahilata lang sa kama. Pinipilit ang sarili na maging malakas dahil sa anak kung dapat ko pang alagaaan.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomanceC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...