KABANATA 12
ISANG nagtataray na irap ang pinakawalan ko sa lalaking kaharap ko, upang maitago ko ang pamumula ng pisnge ko.
Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa nito dahil sa inakto ko, na mas naging dahilan pa kung bakit ako nairita. Nakakairita kasi ang tawa na pinakawalan niyang iyon e, para bang nang-aasar o hindi kaya ay nanunuya. Hindi ako sure ah, pero parang gano'n talaga ang tuno e.
Imbes na patulan ang kagaguhan niyang iyon ay hindi ko na lang iyon pinansin, dahil alam kong sa bandang huli ay ako lang rin ang matatalo—'cause obviously, ako lang rin naman ang maiinis sa bandnag huli. Kaya imbes na patulan siya'y yumuko na lang ako upang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.
At hindi ko inaakalang kasabay ng pagyuko ko ay ang pagyuko rin ng punyemas na lalaking iyon na siyang naging dahilan kung bakit na pang-abot ang aming mga ulo. Kaya ang ending, pareho kaming napadaing.
"Aray!"
"Fuck!"
Sabay naming daing nang tumama sa isa't-isa ang mga ulo namin. Kasabay ng pagdaing namin na iyon ay ang pagkasalampak rin namin sahig. Which made my butt ached.
Wala sa sariling ako'y napahawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang bahagyang pagkirot nito, at hindi ko inaakalang mas kikirot pa ito dulot ng paghawak ko doon. Nasagi kasi ng kamay ko ang mahapding parte na iyon. Ang tanga ko lang para isiping mawawala ang sakit niyon kapag hinawakan ko! Grabe.
Tangina! Mukhang magkakabukol pa ata ako nito ng wala sa oras dahil sa punyetang panirang lalaking ito ah! Isang inis na inis na tingin ang ipinukol ko dito ng lumingon ako sa gawi nito, at doon ko ito nakitang kagaya ko'y nakasalampak rin sa sahig habang hawak hawak rin nito ang ulo nito habang ngumingiwi.
Tangina! Ganoon ba talaga kalakas ang naging salpukan naming dalawa kung kaya't pareho kaming napasalampak sa sahig at saka napadaing? Shit! Kung ganoon ay paniguradong mabubukol talaga ang ulo ko. Hindi na ako magtataka kung ganoon nga.
Tangina! Kasalanan talaga 'to ng lalaking ito e. Kasi kung hindi ba naman siya tanga tanga at saka gaya gaya edi sana hindi magkakasalpukan ang mga ulo namin. Hindi rin sana kami mapapasalampak sa sahig at magkakabukol.
At saka isa pa, marami ng atraso ang lalaking ito sa akin e no, kanina, muntikan na akong mamatay dahil sa muntikan niyang pagsagasa sa akin, at saka muntikan na rin akong ma late sa klase ko dahil sakanya, ngayon naman ay humaharang siya sa daanan ko, kaya nauntog ang ulo ko sa matigas niyang dibdib na siyang naging dahilan kung bakit nahulog sa sahig ang mga papel na dala dala—Ohh! Shit marami pa pala akong pupulutin.
Kumikirot man ang ulo dahil sa labis na sakit na hatid no'ng pagsalpukan ng mga ulo namin, ay hindi ko na lang iyon pinansin ng maalaala ko ang mga nagkalat na papel sa sahig na kailangan kong pulutin bago pa man ito madumihan.
Isang inis na tingin muna ang ipinukol ko sakanya, bago ko sinimulang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig.
Sa kalagitnaan ng pagpupulot ko'y bahagya akong nakaramdam ng ilang dulot ng makaramdam ako ng matiim na tingin na nagmamasid sa ginagawa ko.
At ng sundan ko ang pinanggalingan ng tingin na iyon ay doon ko nakita ang trantadung—panira ng future na lalaking iyon na nakatingin sa akin ng matiim.
Tinaasan ko ito ng kilay na waring nagtataray.
Nakita ko naman kung paano sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi nito sabay nguso sa isang gawi, ng sinundan ko ng tingin ang nginunguso nito ay doon ko nakitang nakatingin ito ng maiitim sa may bandang dibdib—partikular sa cleavage kong nakikita dulot ng pagyuko ko.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
RomantikC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...