Kabanata 82

3.7K 88 8
                                    

NO! Hindi maaring mamatay siya! Dahil hindi ko pa napaparanas sakanya ang pagiging buhay pero patay naman sa loob.

Hindi maari! Hindi maaring mamatay siya dahil hindi ko pa napaparanas sakanya ang pait at sakit na napagdaanan ko sa loob ng ilang taon.

Pag-alala ang namutawi sa puso ko. Pag-alala na baka mamatay na siya ng hindi pa nararanasan ang mga naranasan ko. Pag-alala na baka mamatay siya ng hindi nararanasan ang paghihirap ko.

I want him dead, yes. Pero hindi naman ganito kaaga. Gusto ko muna siyang makitang maghirap, magdusa, lumuhod sa harapan ko, mabaliw at magmakaawa. Gusto ko muna siyang pahirapan bago siya mamatay.

At saka isa pa, gusto kung ako mismo ang pumatay sakanya. Gusto kung sa kamay ko mismo umagos ang dugo niya. Gusto kung ako ang magiging dahilan ng pagkamatay niya.

Napatingin ako sa gawi no'ng lalaking nag c-cpr sa katawan niya. At roo'y nakita kung hingal na hingal na ito sa ginagawa na tila ba'y kanina niya pa sinusubukang buhayin si Dashiel pero kahit anong gawin niya'y hindi niya pa rin ito mabuhay-buhay.

Yes, si Dashiel ang tinutukoy ng mga marites kanina. Si Dashiel ang tinutukoy nilang may ari ng katawan na nagpalutang-lutang sa dagat.

But heck, ano kaya ang ginawa ng ponciong pilato na ito rito at kung bakit siya napadpad rito. Don't tell me, nalaman niyang dito ako nagtatago sa loob ng ilang taon kaya sinadya niyang magpalutang-lutang sa dagat? Kumbaga, acting niya lang itong lahat?

Napailing ako dahil sa kaisipan ko na iyon. Napailing ako dahil sa kadahilanang impossible ang bagay na iyon. Imposibleng mangyari. Impossibleng mangyari ang bagay na iyon dahil ni isa ay walang nakakaalam kung saan ako naroroon. Ni isa ay walang nakakaalam kung saan ako dinala ni Storm.. Storm... wait, don't tell me that dinala siya ni Storm rito or hindi kaya itinuro ni Storm kung nasaan ako naroroon?

Napapilig ako dahil sa naisip. No. Impossible ang bagay na iyon. Dahil hinding hindi ako magagawang ipagkalulong ni Storm.. lalo na't alam niya ang impyernong dinanas ko dahil sa letseng lalaking 'to!

Baka sadyang dinala lang talaga ng tadhana ang lalaking ito para hindi na ako mahirapan pa sa ginagawa kong pag re-revenge. Tama! Oo, 'yon nga! Sadyang dinala lang talaga ng tadhana ang kumag na ito rito para mapadali ko ang planong paghihigante ko.

But before that, I need to make sure na mabuhay muna ang kumag na ito. Dahil kung hindi'y mawawalan ng silbi ang plano ko.. ang plano kung pagpapatikim sakanya sa impyerno habang nabubuhay pa.. ang plano kung ipatikim sakanya ang pait na natikman ko sa loob ng ilang taon.

"Ahm kuya, mali po ang pag c-cpr niyo." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na huwag magsalita ng mapagtanto kung mali ang pag c-cpr ni kuya guy. Oo mali ang pag c-cpr niya! Kaya naman siguro kahit na'y ilang minuto na niya itong sini-cpr ay hindi pa rin ito nagigising or baka naman patay na talaga ito, 'diba?! But heck no way! Hindi siya maaring mamatay dahil hindi niya pa nararanasan ang mga naranasan ko.

Narinig ko kung paano magbulung-bulungan ang mga marites dahil sa sinabi ko. Ngunit hindi ko na iyon pinansin pa bagkos ay lumapit ako sa gawi ni kuya guy at ni Dashiel.

"May pulso pa po siya kuya?" tanong ko kay kuya guy ng makalapit rito.

Umiling ito, "Kanina oo pero ngayon wala na," sagot nito sa tanong ko na siyang nagpatango sa akin.

Kinuha ko ang kamay ni Dashiel upang kumpirmahin kung nagsasabi nga ba ng totoo si kuya. Kinapa ko ang palapulsuhan nito at roon nga'y napagtanto ko na tama si kuya guy—na nagsasabi siya ng totoo. Dahil ni isang pagpitik ay wala akong nakapa ng kapain ko ito.

"Tabi kuya," ani ko kay kuya guy. Sa pagkakataon na ito'y bahagya na akong nakaramdam ng kaba. Kasi kung tama ang kalkulasyon ko, mag-iisang minuto na rin siyang walang pulso.. and this guy might died kung hindi pa maibabalik ang pulso nito sa lalong madaling panahon.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon