Para sa mga hindi nakakaalam my BOOK 2 na po ang psycho 1, intitled THE FORGOTTEN LOVE OF A PSYCHO.
Enjoy Reading XoXo. Hindi ko pala na proofread 'to, pagpasensiyahan niyo na kung may typo.
KABANATA 22:
THAT WAS a long and tiring night.
Ang mga katagang iyon ay ang tanging madedepina ko sa gabi ko kagabi.
Long and tiring day sapagkat pinagalitan kasi ako no'ng manager namin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa kusina.
Dahil late na nga raw ako, gumawa pa ako ng eskandalo. Medyo masasakit ang mga katagang ibinato ni Sir Manager sa akin kagabi, pero ayos lang naman. Keri naman. Total kasalanan ko naman iyon e, kaya walang dapat na ipag-alala.
Matapos ang yakapan session ni Hill sa akin kagabi ay agad naman kaming bumalik sa kusina upang tumulong doon, pero imbes na makatulong agad ako ay hindi nangyari iyon pagkat ang bunganga—ang mga masasakit na salita agad ni Sir Manager ang bumungad sa akin.
Pinagalitan muna ako nito bago ako nito hinayaang magtrabaho.
Sa loob ng ilang oras na pagtratrabaho ko kagabi'y naging busy ako, kung kaya't hindi ko na naitanong pa kay punyemas ang mga katagang gusto kong itanong sakanya. Naging busy ako kagabi, to the point na hindi ko man lang namalayan ang pag-alis nito sa caffe. Ni anino nga nito matapos ang tagpo sa cr ay hindi ko na nakita, ang pag-alis pa niya kaya?
Dinagsa kasi ng costumers ang caffe kagabi kung kaya't hindi ko namalayan ang pag-alis niya at ang anino nito. Dinagsa ang caffe kagabi dahil sa kadahilanang maulan, at sa tuwing maulan ay aasahan mo na talagang dadagsa ang costumers sa caffe para magpa-init.
Nakakapagtaka nga e, e kasi naman kung nilalamig sila, ba't hindi na lang sila magpainit ng tubig gamit ang mga takore nila, bakit kailangan pa talaga nilang lumabas at gumastos para lang makainom ng kape?
Mga mayayaman talaga e no, minsan hindi mo maiintindihan ang trip sa buhay.
Tamad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa katre ko upang pumasok na sa trabaho.
Gusto ko pa sanang matulog at humilita buong araw sa katre ko, kaso bawal. Bawal dahil sabado ngayon at kapag sabado ay may trabaho ako, kahit na'y gusto ko pang humilata kasi sembreak.
Bawal, dahil kung hindi ako kikilos saan kami pupulutin? Saan kami makakakuha ng perang pangkain namin? At higit sa lahat, saan ako makakakuha ng pang bayad ko sa tuition para sa susunod na sem at pang noche buena namin?
'Di ba, wala akong mapagkukunan? Kung kaya't kahit na'y gustong gusto ko pa talagang matulog ulit ay hindi ko na lang ginawa. Bumangon na lang ako at saka sinimulang gawin ang ritwal ko sa katawan.
Hindi na gaano kahapdi ang paso na natamo ko kagabi kung kaya't hindi ako nahirapan pang hubarin ang damit na suot suot ko, pero kahit ganon pama'y nanatili pa rin roon ang pulang marka na iniwan ng iyon kagabi.
Matapos gawin ang ritwal ko sa katawan ay bumaba na ako sa unang palapag nitong pinagdagpi dagpi naming bahay.
At kagaya no'ng mga nagdaan ay si lola na naman sa kusina ang nadatnan ko, nagluluto ng pagkain habang kinakanta ang paboritong musika niya na ang luma luma na.
At kagaya rin nong mga nagdaan ay nakalimutan pa rin ako nito, nakalimutan pa rin ako nito kung sino ako sa buhay niya, naalala lang ako nito ng sabihin ko sakan'ya ang mga katagag,
"Lola ako po 'to si Marra 'yong apo ko."
Ilang minuto muna ang nagdaan bago ako nito nakilala, napailing na lang tuloy ako dahil habang nagtatagal ay mas lalo pang lumalala 'yong sakit ni Lola.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTER
Storie d'amoreC O M P L E T E D WARNING: THIS IS AN R-18 STORY! "He is Dashiel Davin Carter and he is my Psychopath Professor." ________________ Synopsis: Aiming to bail her mother out of jail, Marra did her best to seduce her so called handsome Psychology profe...