Kabanata 30

5.9K 72 6
                                    


"TOTOO ba 'to?" ang di makapaniwalang tanong ko habang hinuhubad ang helmet na suot suot ko.

Kakarating pa lang namin at kakababa ko pa lang mula sa motor na sinasakyan namin at hindi ko inaakalang ang tanawin na ito ay ang agad na bubungad sa mga mata ko.

Napakaganda. Napakaganda nitong nakikita ko.

Ang mga kataga na iyon hindi sapat para mai-depina ko ang tanawin na nakikita ko ngayon. Hindi sapat because this scenery is more than that.

Wala sa sariling ako'y napangiti ng matamis ng maramdaman ko ang pagtama ng malamig na panggabing hangin sa pagmumukha ko pagkahubad na pagkahubad ko pa lang sa helmet na suot-suot ko.

Kasabay ng pag-ihip ng hangin na iyon ay ang pagsiliparan rin ng nakalugay kong mga buhok.

"Maganda ba?"

Wala sa sariling nahigit ko ang aking hininga ng maramdaman ko ang pagtama ng kan'yang hininga sa batok ko habang sinasambit niya ang mga kataga na iyon.

Mula sa likod ko ay sinikop niya ang nakalugay kong buhok bago ito inisang ilagay sa balikat ko. At mula rin doon sa likod ko'y niyakap niya ako na siyang naging dahilan kung bakit 'ko nahigit ang sarili kong hininga, sa ikalawang pagkakataon.

"M-aganda," ang nauutal kong bulong na sagot sa itinanong niya bago dinahan-dahan sa pagkalas ang mga kamay niyang nakayapos sa bewang ko.

Kinalas ko ito dahil sa kadahilanang naiilang at na so-soffucate ako, naiilang ako dahil sa kadahilanang hindi ako sanay sa ganito, hindi ako sanay na may pasimpleng yumayakap sa akin at lalong lalo na't lalaki ito.

Nang matagumpay kong naikalas ang mga kamay niyang nakayakap sa akin ay pasimple akong humakbang papalayo sa gawi niya.

Humakbang ako papalayo sa gawi niya at pumunta papalapit sa nakakabighaning tanawin na hindi ko inaakalang totoo pala.

Akala ko kasi'y ang mga ganito kagandang tanawin ay sa mga pelikula ko lang makikita at sa mga libro ko lang mababasa, pero nagkakamali lang pala ako, dahil ako mismo sa sarili ko—gamit mismo ang mga mata ko'y nakasaksihan ko kung gaano kaganda ang tanawin na hindi ko inaakalang totoo pala.

Mula rito sa burol na kinatatayuan ko'y kitang-kiita mismo ng dalawang mata ko ang napakatahimik na karagatan na kay gandang pagmasdan, at mas gumaganda pa ito dulot ng malaki at bilog na buwan na parang humahalik rito.

Mula sa pagtitingin-tingin sa napakandang tanawin ay wala sa sariling ako'y napatingin sa gawi ni Dashiel ng makita ko kung paano ito maglakad papunta do'n sa may patag na bahagi ng burol.

Kalauna'y ng marating nito ang patag na bahagi ng burol ay hinubad nito ang suot suot nitong leather jacket. Kalauna'y inilatag niya iyon sa damuhan, making me think na ginawa niya bang blanket ang bagay na iyon

Nang mailapag na niya ito sa damuhan ay muli siyang bumalik sa gawi ko.. Nang makalapit sa gawi ko'y kinuha nito mula sa akin ang helmet na dala dala ko pa pala magpahanggang ngayon, ni hindi ko man lang ito namalayan dahil sa kadahilanang nalibang talaga kasi ako sa tanawin na nakikita ko e.

Kinuha niya ang helmet mula sa akin na siyang ibinigay ko naman. Nang mapasakanya na ito'y nilagpasan niya ako, napatingin  tuloy ako sa gawi na pinuntahan niya at doon ko nakita kung paano niya inilagay ang helmet sa manibela ng motorsiklo niya.

Nang matapos ay muli itong bumalik sa gawi ko.

Agaran ko namang iniwas ang tingin ko mula sakan'ya bago dali daling napaayos ng tayo, baka kasi isipin ng lalaking iyon na kanina ko pa siya pinagmamasdan e.

Wala sa sariling nahigit ko ang hininga ko ng maramdaman ko kung paano niya hinawakan ang kamay ko bago niya pinagsiklop ang mga palad namin.

Aangal na sana ako ngunit hindi ko na naipagpatuloy pa iyon ng marahan ako nitong kinaladkad papunta sa inilitag niya.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon