Kabanata 36

5K 82 7
                                    

Medyo magiging busy na ako dahil maghahanda na 'ko para sa entrance exam. So 'yon, baka hindi ko na naman magawa ang daily update ko.

_______

BAGO pumunta sa lugar na aking destinasyon ay dumaan pa muna ako sa bahay ni Kuya Noel upang kunin 'yong ibibigay niya raw sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang ibibigay niya pero inaamin ko, nai-excite ako sa ideang bagay ito o kung ano mang reagalo. Ka excite naman.

Mahabang lakaran pa muna ang aking naranasan bago ko narating ang sakayan ng jeep. At gano'n gano'n na lang ang pagkamugtok ko nang makita ko na ang taas no'ng pila para lamang makasakay ng jeep.

Hindi na bago sa akin ang tagpo na ito, dahil ganito naman talaga ang eksena rito sa amin sa tuwing nagpapasko at bagong taon, uwian kasi ng mga trabahante na nagtratrabaho rito sa lugar sa amin e, kaya ganon. Ang sa akin lang, ba't ngayon pa sila nagkasabay-sabay? E, puwede namang mamayang hapon na lang sila uuwi 'diba?

Napasimangot ako dahil sa naisip, mukhang matatagalan na naman ako, nakakabagot pa naman maghintay. Pero gaya nga sa kasabihan, patience is a virtue, kaya hintay lang, Marra! Mararating mo rin ang paroroonan mo!

Nakasimangot akong pumila, kasunod no'ng kay ate na nakadamit ng kulay orange. Infairness, ang bango ni ate, kasalungat sa nasa isip ko. Ang nasa isip ko kasi'y amoy pawis na ang mga tao rito, dahil mukhang kanina pa ang mga ito naghihintay ng masasakyan, 'yong iba nga'y nag grab na lang e, kung kaya't inisip ko talaga na amoy pawis na ang mga ito, pero infairness kay ate ah, ang bango niya. Kaso, 'yong t-shirt niya'y parang 'yong t-shirt sa kulungan- Speaking of kulungan, napaisip tuloy ako kay mama.

Kamusta na kaya siya roon? Ilang buwan na rin pala simula ng huli ko siyang mabisita. Na miss ko tuloy siya.

Sana naman ay nasa mabuting kalagayan siya roon.

Napabuntong hininga ako sa naisip, matagal ng nakakulong ang mama ko dahil sa salang pagpatay, at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakalaya. E samantalang, wala namang sapat na ebedensiya na nakakapagpatunay na siya ang pumatay sa asawa no'ng Vildamir ata ang pangalan-hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari at kung bakit siya napagbintangan, pero isa lamang at alam ko, iyon ay ang nakakalito ang lahat ng ito, nakakalito and at the same time may something fishy-may mali, at ang mali na iyon ay ang dapat kung alamin nang sa gayon ay makawala na ang mama ko.

Honestly, the justice system of this country is really suck, why? Because alam naman siguro natin diba? Na hindi lahat ng nakakulong ay may sala, 'yong iba diyan ay mga inosente. Na hindi rin lahat ng nasa kalye-na hindi rin lahat ng malaya ay inosente, 'yong iba diyan ay ang totoo talagang may sala, pero ito ang pinaburan ng panahon dahil sa pera.

Money.

Ang bagay talaga na iyan ang nagpapagulo sa ating lahat e. Ang bagay na iyan ang nagpapagulo sa ating lahat dahil kung wala ito, libre sana ang lahat, walang mahirap at walang mayaman, kumbaga pantay ang lahat, kaya sino ba kasing poncio pilato ang umembento sa bagay na iyan?

Napabuntong hininga ako sa naisip bago sinundan ang bawat paghakbang na pinapakawalan no'ng babaeng mabango. Kung lalaki lang ako, paniguradong hiningi ko na ang number ni ate, bukod kasi sa mabango, ang ganda niya mga te. Parang anak mayaman na nagpapanggap lang na mahirap. Ang kinis kasi ng kutis at ang puti puti pa-wait ba't parang natotomboy na ko sa babaeng 'to?

Ghad, self, ano ba 'yang mga pinag-iisip mo?! Wait normal lang naman 'yon diba? Total, paghanga lang naman e.

Akala ko'y sasakay rin si ate sa jeep dahil pumila rin siya e, at siya pa 'yong sinundan ko pero hindi ko inaakalang gano'n gano'n na lang ang magiging panlalaki ng mga mata ko ng makita kong hindi pala ito pumasok sa loob ng jeep ng kami na, imbes kasi na pumasok ay pumunta siya sa gilid, doon sa tabi no'ng magarang motor.

PSYCHOPATH'S LOVE SERIES #2: DASHIEL DAVIN CARTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon