chapter 170 "First Monthsarry"

181 18 3
                                    

Ashi Vhon's Pov.

Kumakain na kami ni Bisugo ngayon sa loob ng kotse niya. After what happened a while ago ay inaya ko siyang sa kotse na lang kumain.

Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Wala man lang akong pag-alinlangan sa paghalik sa kaniya kanina. Ang nasa isip ko lang ay mapasaya siya.

He've done alot for me. And I just want to make him happy.

Tsk!

Actually, sa tatlong linggo na namalagi ako rito sa Baguio ay naiisip ko rin si Bisugo.

I miss him lalo na ang prisensiya niya. Mukhang nasanay ako na lagi siyang kasama sa university.

Minsan ko rin siyang napapaginipan.

Hayst!

Maybe, I'm into him now.

"Love," natigilan na naman ako dahil sa tawag niya sa akin.

I feel my heart beat.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakatapat sa bibig ko ang hawak niyang barbeque na hita ng manok.

"Ahh," nakangiting sabi niya.

Ngumanga ako at isinubo naman niya ito sa akin. Kumagat ako at kumain. Nakangiting kumagat din siya habang nakatingin sa akin.

Nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin.

"K-kumain ka nga ng maayos hindi 'yong panay ang titig sa akin." nakaiwas tinging sabi ko pa.

Rinig ko ang mahinang tawa niya at mas lumapit sa akin.

"You can't blame me for staring at you. You're so attractive in my eyes, Love." malambing ang boses na sabi niya.

Bigla akong nasamid sa kinakain ko buti na lang inabutan niya agad ako ng tubig.

"Hey! Dahan-dahan lang sa pagkain. Gusto mo nguyain ko para sa'yo?" nakangiting tanong niya.

Mabilis na binatukan ko siya dahilan para mapalayo siya sa akin.

"Tumigil ka nga!" sita ko sa kaniya.

Ramdam kong uminit na naman ang pisngi ko.

Lintik!

Kanina pa siya bumabanat noong nasa farm pa kami.

Natatawang napahimas na lang siya sa batok niya.

Inubos ko ang hawak kong isaw. Hanggang sa matapos kaming kumain.

"Love, saan mo pa gustong pumunta?" nakangiting tanong niya.

Napaisip ako. Marami pang mga magagandang puntahan rito sa Baguio pero medyo pagod na ako ngayon.

Ang laki ng farm kanina na halos ikutin namin ni Bisugo kanina.

"Uwi na muna tayo. Medyo pagod na ako, roon na lang tayo sa tambayan." sagot ko sa kaniya.

"Are you sure?"

"Mmm."

"Ok. Let's go." nakangiting sabi niya.

Imayos ako ng upo at ikinabit ang seatbelt ko. Pinaandar niya ang kotse at tinahak ang daan pauwi.

Pasado alas-dose pa naman ng tanghali.

Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon