Chapter 208 "Wedding"

174 12 1
                                    

NAIYAK si Kyla habang nasa loob ng isang silid kasama sila Ashi, Xandra, Bella, Lyka, Theresa, Stella, Aika, Mello, and Kaye Zenn upang samahan siya roon. Nag-uusap silang lahat at nagbibiruan hanggang sa naalala ang mga panahon kung paano sila nagkakilala lahat. Ang lahat ng mga naranasan nila sa highschool at college. Pati tuloy ang iba ay naiyak na rin maliban kay Ashi na tahimik na nakikinig lang sa kanila.

"Parang kahapon lang transferee kayo sa SFU at binubuli nila Drix at Kathy," naiiyak na wika pa ni Theresa.

"Yeah. Parang kailan lang nagsasagutan sila Ashi at si Ma'am Alcantara," mangiyak-ngiyak na sabay pa ni Stella.

"Nakakamis yung mga panahong 'yon." Naiiling at nakangiting sabi ni Aika.

Nagtanguan sila bilang pagsang-ayon sa sinabi ng kaibigan. Inayos pa nila ang gown ni Kyla pati ang buhok nito bago ito niyakap.

"Today is your last single day." Natatawang sabi ni Kaye Zenn.

"Galingan mo sa honeymoon niyo mamaya, sis. Huwag mong ipahiya ang lahi natin." Biro pa ni Lyka.

Namula sa hiya ang kaibigan dahilan para magtawanan silang lahat. Pati si Ashi ay natawa na rin sa kakulitan ng mga ito.

"Tama na 'yan, baka magwawala na ang groom sa tagal ng bride." Singit ni Ashi sabay tayo.

"Nandito ka pa pala, kala namin umalis ka na. Ang tahinik mo na naman kasi," nakangiwing sabi ni Mello.

Inirapan lang ni Ashi ang kaibigan bago niyakap si Kyla. Naiiyak na niyakap naman siya pabalik nito habang sumisinghot-singhot pa ito.

"Tigilan mo ang pagsinghot, baka ma turn off ang groom mo't biglang tumakbo palabas ng simbahan mamaya." Natatawang biro niya.

Mahinang tinampal naman ni Kyla ang balikat niya.

"Ang sama mo talaga magbiro," nakangusong sabi nito.

Naiiling na natawa ang mga kaibigan nila bago inalalayan ang bride na makalabas ng silid. Pagkatapos ay sumakay sila sa kotse ni Lyka habang ang iba ay sa kaniya-kaniyang sasakyan.

Nakamotor naman si Ashi kahit na naka-dress ito. Si Ashi kasi ang maid of honor at si Drix naman ang partner niya. Mahinang natawa pa siya nang maalala ang nangyari sa kanila kagabi. Kaninang umaga lang naman umalis ang binata para makapaghanda na rin ito sa kasal ng mga kaibigan nila.

"Ash, baka magwala ang partner mo kapag nakita kang naka-motor na ganiyan ang suot!" Sigaw pa ni Bella.

Kulay violet na fitted dress ang suit niya habang may hiwa iyon sa kaliwang hita. Kitang-kita ang maputi't mabilog na hita niya lalo na kapag maglakad siya.

"Tsk! Halik lang ang katapat nun," tugon niya at bago pa man siya makaalis ay narinig niyang napa––'woah' ang mga kaibigan niya.

Naiiling na pinaandar na lang niya ang motor bago pinaharurot paalis. Halos mapatingin pa sa kaniya ang mga taong nasa loob ng mga sasakyan tuwing daan siya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito hanggang sa makarating sa malaking simbahan ng Makati.

Agad na nag-park siya at maya-maya ay dumating ang mga kaibigan. Tinutukso pa ng mga ito si Kyla na halatang kinakabahan sa kasal nito. Hanggang sa magsimula na ang seremonyas ng kasal.


Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon