chapter 205 "Waiting"

126 9 0
                                    

TAHIMIK na kumakain lang si Ashi habang nag-uusap ang mga kaibigan niya. Nasa isang restaurant sila sa loob ng mall. Pasado alas-onse na kasi ng tanghali at nagugutom sila kanina habang tinitingnan nila ang gown ni Kyla para sa nalalapit na kasal nito, kaya kumain na lang muna sila. Halos hindi kumikibo si Ashi dahil hindi siya makakasabay sa pinag-uusapan nila Kyla at Bella. Idagdag mo pang ang lakas ng boses nila Stella at Theresa tapos ang sagwa ng pinag-uusapan ng mga ito.

"Hindi ba kayo nasasagwaan sa pinag-uusapan niyo?" Hindi na siya makatiis pa.

Ano ba naman kasi, pinag-uusapan ng mga ito kung may nangyari naba sa pagitan ng mga nobyo ng mga ito. Maliban na lang sa mga may-asawa na.

Nagtawanan silang lahat dahil napansin nilang naiilang siya na pag-usapan ang bagay na iyon.

"Asus! Akala mo naman inosente ka pa! Alam naming napaungol ka na rin ni Drix sa kama!" Tudyo ni Stella dahilan para muling magtawanan silang lahat.

Namula ang mukha ni Ashi dahil sa sinabi nito. Halos murahin niya si Stella dahil sa walang preno ng bibig nito.

"Hindi lang napaungol, kundi nalabasan rin uy!" Natatawang dagdag pa ni Aika.

Mas lalong namula sa hiya si Ashi. Muntikan pa itong masamid sa kinakain nito. Buti na lang nakainom agad siya ng tubig.

"What the fvck are you talking about?!" Pilit na pinapaseryuso ang boses niya.

Tinukso pa siya lalo ng mga kaibigan habang si Xandra ay tahimik na nakamasid lang sa kanila. Bahagyang namumula rin ang mukha nito na animo'y nakaka-relate sa mga sinasabi ng mga kasamahan nila.

"Hoy, Ashi! Alam kong hindi ka na virgin kaya huwag ka ng mahiya!" Gatong naman ni Bella.

Tuluyan na siyang nabulunan dahil sa  sinabi ni Bella. Halos sumaakot ang lalamunan niya sa pag-ubo kaya inabutan agad siya ng tubig ni Xandra.

Napatingin pa sa paligid si Ashi dahil sa hiya na baka maraming mga nakarinig sa sinabi ng kaibigan.

"Can't you lower your voice? Nakakahiya't baka marinig kayo ng ibang kumakain." Kalmadong sabi ni Xandra.

Halos lahat sila ay napangiwi at napapailing. "Ikaw din, Xand, alam naming sira na rin hymen mo. Pareho kayong magpinsan na kunwari virgin pa––"

"Shut up! I am a fvcking virgin!" Sabay na sigaw silang dalawa ni Xandra.

Natahimik naman sila sandali habang nanlalaki ang mga mata."Me, too." Sabat ni Kyla. Sabay-sabay na napatingin sa kanilang tatlo sila Stella na nanlalaki pa rin ang mga mata.

"What?"

"Ano?"

"Legit?"

They asked in unison. Shocked were visible with their eyes. A glimpse of unbelievable expression were clear in their face.

"Virgin pa kayo?" Gulat natanong ni Aika.

"What else do you think?" Balik tanong ni Ashi na ikinangiwi ni Aika.

"Wala pala iyong tatlo, mahina pala sex." Natatawang sabi ni Stella.

Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon