DAYS PASSED. Naging busy si Ashi sa hospital dahil sa mga operasyon na hina-handle nito. Siya na ang bagong head sa cardiac surgery. Halos bahay at hospital ang laging routine nito. Tulad sa America, gusto niyang magpaka-busy lalo na't nandito na siya sa pinas kung saan naroon ang lahat ng alaala ng taong tanging laman ng puso niya. At ngayon, kakatapos niya lang sa isang operasyon."Thank God! Natapos din sa wakas," bulalas ni Xandra na katulong niya sa operasyon.
Isang batang lalaki ang inuperahan nila dahil may sakit ito sa puso. They did the transplant. Kompleto naman kasi ng mga gamit ang hospital nila kaya no need nang dalhin sa U.S ang pasyente upang doom ipagamot.
She can do it anyway.
"Magbihis na kayo," tanging sabi ni Ashi bago lumapit sa sink ng operating room.
Agad namang sumunod si Xandra sa kaniya.
"Uuwi ka na ba ngayon?" Tanong ng pinsan.
"Hindi pa, may pasyente pa ako sa fourth floor." Sagot ni Ashi habang nagtatanggal ng gloves.
Naghugas siya ng kamay at ganun din si Xandra pagkatapos ay naghubat ng medical dress bago lumabas.
"By the way, a-attend ka ba sa dinner mamaya?" Tanong ni Xandra nang makalabas sila ng operating room.
Umiling si Ashi bilang sagot. May pupuntahan siya mamayang gabi kaya hindi siya makadalo sa dinner nila.
Napabuntong-hininga na lang si Xandra habang nakatingin sa kaniya. She look very worried.
"Ayos ka lang ba talaga, Ash?" Kapagkuwa'y tanong nito.
Napalingon si Ashi sa kaniya nang may pagtataka.
"Bakit naman hindi?" Balik tanong niya.
Napangiwi si Xandra. Wala pa ring pinagbago ang pinsan niya. Sagutan ka ba raw ng tanong sa tanong mo.
"Ash, hindi kami manhid para hindi mapansin ang mga ikinilos mo." Seryusong sabi ni Xandra. "Magmula nang makarating ka mula America ay hindi ka namin makausap ng maayos." Dagdag pa nito.
Napapailing si Ashi bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa elevator.
"Alam mo namang busy ako 'di ba?"
"Tsk! Ikaw lang naman ang nagpapaka-busy sa sarili mo, eh." Malumay na sagot ni Xandra.
Hindi nakapagsalita si Ashi at pinindot na lang ang floor kung saan ang office nilang dalawa. Magkatabi lang kasi ang office nila.
Namayani ang sandaling katahimikan nang basagin ni Xandra.
"Tell me, you wanted yo get busy just to pretend to be okay and avoid everything about him, right?" Dieretsong tanong ni Xandra.
Napahinga nang malalim si Ashi at hindi sinagot ang tanong ng pinsan niya.
Napapailing si Xandra na animo'y hindi alam kung ano ang gagawin nito sa kaniya.
"Ash, it's been five years but you still act like this." Parang naiinis na sabi ni Xandra.
"Act like what?" Seryusong tanong ni Ashi. " You just don't understand me. Palibhasa'y hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko." Seryusong dagda pa nito.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Three (last season) Complete
Teen FictionPagkatapos malaman ni Ashi ang tungkol sa pagkatao niya at sa tunay niyang ina sa mismong araw na official girlfriend na siya ni Drix ay bigla itong umalis ng walang pasabi. Hindi na siya ma contact ng pamilya at kaibigan nito. Lalo na si Drix na na...