Chapter 195 "Gone"

108 11 18
                                    

TAHIMIK na nakaupo si Ashi sa labas ng operating room kung saan ang lolo nito ang nasa loob. Nagamot na rin ang mga sugat nito. Wala siyang imik magmula nang makarating sila galing sa Airport kung saan hinatid nila si Drix para sa U.S gamutin. Pati na rin si Stone a.k.a Damon dahil dilikado ang lagay ng mga ito. Ang sabi ng doctor ay fifty fifty ang lagay ng dalawa. Lalo na si Drix na dalawang bala ang siyang nakabaon sa puso nito. Idagdag mo pang pumikit ang binata dahilan para mas lalong mahirapan ang mga doctor kanina kung kaya't agad na ipinadala sa U.S ang binata. Kailangan din ng heart donor para kay Drix.

Samantalang tahimik na nakaupo sila Xandra sa waiting area habang hindi mapakali. Tahimik na nagdadasal pa ang mga ito na maging maayos ang operation ng lolo at lola niya.

"Kapag may nangysring masama kay lolo at lola, papatayin ko si Kiana." Galit na bulomg ni Xandra.

"Huwag kang mag-isip ng ganiyan. Alam mo kung ano ang kapalit kapag ginawa---"

"The hell I care!" Pasinghal na pigil niya kay Keith.

Napalingon sa kanila ang iba pang mga naroon pati na rin ang mga nurse na dumaan sa hallway.

"Calm down, Xand, magiging okay rin sila." Mahinang alo ni Keith dito.

Napatingin sila Xandra sa pinto ng operating room nang bumukas ang pinto at lumabas ang dalawang doctor.

"Doc, kamusta ang lolo ko?" Kinakabahang tanong ni Xandra.

Nagkatinginan ang dalawang doctor habang napapailing. Parang huminto ang mundo ni Xandra sa ibigsabihin nang pag-iling ng dalawang doctor.

Napatakip pa ng bibig sila Kyla at Lyka. Habang sila Lyle ay natahimik at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ng mga ito.

"I'm sorry. The operation was failed. Hindi kinaya ng lolo mo ang operation. Masyadong mahina ang katawan niya at marami na rin ang dugong nawala sa kaniya." May simpatya sa boses na sabi ng isang doctor.

"N-no!" Umilimg-iling na bulalas ni Xandra.

"We're very sorry. We did our best to save him but he's the one who give up. Condolence to your family." Huling sabi ng isa pang doctor bago sila nagpaalam at umalis.

Sunod-sunod na pumatak ang mga luha ni Xandra habang natuod sa kinatatayuan nito. Pati sila Lyka at Kyla ay naiyak na rin. Knowing that ngayon lang nila nakitang umiyak si Xandra.

Napalingon sila Keart sa likuran nila at nakita nila ang malungkot na mukha ng mga Ibañez. Galing sila sa kabilang operating room kung saan ino-operahan si Doña Marites.

"Xand," mahinang tawag ni Jiro.

Dahan-dahang lumingon si Xandra pero kay Ashi ito tumingin.

"Wala na si Doña Marites," malungkot ang boses na anas ni Naomi.

Awtomatikong napabaling si Xandra kay Naomi na katabi lang ng daddy ni Ashi at ni Grandmaster Ibañez.

"W-what?" Nanghihinang tanong ni Xandra.

"Your grandmother's gone. Hindi niya kinaya ang operasyon dahil mahina ang katawan nito. She lost a lot of blood which make her hard to survive." Naomi added.

Wala sa sariling napasuntok si Xandra sa pader na malapit sa kaniya. Napasabunot pa ito habang nahihirapang huminga bago sumandal sa bubong at dumaosdos sa sahig.

Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon