Xandra's Pov.
Naging alerto kami ni Kyla ng makarinig kami ng mga putukan sa labas ng mansion. Mahigpit na hinawakan ko ang baril at espada ko.
Fvck!
Ayaw talaga tumigil ng mga bastardong yun!
"Xand! Nasaan na ba kasi si Ashi?" nag-aalalang tanong ni Kyla.
Napabuntong-hininga ako at umiling. Hindi ko rin alam kung saan nagpunta ang babaeng yun. Madalas na siyang umaalis ng hindi namin nalalaman.
Napatingin ako sa pinto ng may sunod-sunod na katok.
Shit!
Napatingin ako kay Kayla na nakakunit na ang noong nakatingin sa pinto bago tumingin sa akin.
Binigyan ko siya ng tango at mabilis pa sa alas-kwatro na binuksan ko ang pinto at sabay naming itinutok ang mga baril namin sa------
"Holy mother fvcker!?"
"P*tangina!?"
Sabay na mura ng nasa harapan namin dahil sa mabilis naming kilos. Pagtingin ko sila Lyka at Clarkang pala.
"Papatayin niyo ba kami?!" inis na sigaw ni Lyka.
Napangiwi na lang ako at inirapan ito.
"Kung bakit ba kasi hindi kayo nagsalita kanina habang kumakatok!?" may inis sa boses na baling ni Kyla sa kapatid.
Tinaasan lang ni Lyka ng kilay ang kapatid habang nakapamaywang. Napapailing na lang si Clark.
"Papasukin niyo kami o hindi-----"
"Holy shit!?"
"Mother fvcker!?"
Malutong na mura namin ni Kyla at pinaputukan ang dalawang lalaking nasa likuran nila sabay hila sa dalawa.
"Damn!? Muntik na tayo ro'n, ah!" gulat na sigaw ni Lyka.
"Dada ka kasi ng dada ate!" bulyaw ni Kyla sa kapatid.
Halatang kinakabahan din siya para sa kapatid at kaibigan namin. Mabilis na isinara namin ang malaking pinto at sumandal kami ni Kyla.
Mas lalong lumakas ang putukan sa labas ng mansion na ikinabahala namin. Kung nasaan ba kasi nagpunta ang lintik kong pinsan.
"Anong nangyayari sa labas? Bakit kayo nandito?" tanong ni Kyla sa kanila.
Kinuha ni Lyka ang baril sa ibabaw ng lamesita at humarap sa amin samantalang busy si Clark sa laptop ni Kyla na nakapatong sa lamesita.
"May mga dumating kanina at pinagbabaril ang mga kalaban na papalapit dito sa mansion." sagot nito at tiningnan kung ilan ang bala ng baril.
Ano?
At sino naman ang mga dumating?
"Inutusan nila kami ni Clark na pumasok dito at sila na ang bahala sa labas." dagdag pa nito.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Three (last season) Complete
Teen FictionPagkatapos malaman ni Ashi ang tungkol sa pagkatao niya at sa tunay niyang ina sa mismong araw na official girlfriend na siya ni Drix ay bigla itong umalis ng walang pasabi. Hindi na siya ma contact ng pamilya at kaibigan nito. Lalo na si Drix na na...