Chapter 204 " Sinehan"

150 8 0
                                    

TAHIMIK na kumakain si Ashi habang si Drix ay titig na titig sa kaniya. Parang ayaw niyang alisin ang mga mata sa nobya. Mula nang makaalis sila sa airport kanina pagkatapos ng proposal––hindi niya alam kung proposal ba talaga iyon. Nalaman kasi nilang tinapon ni Ashi ang lahat ng bulaklak na dapat kunin nito kanina habang naglalakad. Maganda sana ang proposal niya kaya lang hindi naki-cooperate ang taong mahal niya. Lumabas kasi ang pagiging angas ng nobya.

Sandamakmak na kantyaw pa ang natanggap niya kanina mula sa mga kaibigan. Pero kahit ganun, masaya siya dahil fiancéé na niya sa wakas ang dalaga sa kabila ng maraming pinagdadaanan nila.

"Wala ka bang balak kumain?" Biglang tanong ni Ashi sa kaniya.

Nginitian niya lang ito bago nagsimulang kumain. Panay lang ang tingin niya rito.

"I'm very happy today, love." Nakangiting sabi pa niya rito.

"I know. Nag proposed ka, eh." Natatawang sabi nito.

Kinindatan niya lang ito at nagpatuloy sila sa pagkain. Nasa isang restaurant sila sa loob ng Ayala mall. Doon sila pumunta kaninaat nakauwi na rin ang mga kaibigan nila.

May kaniya-kaniyang love life kasi ang mga kaibigan nila. Si Keart at Kyla na malapit nang ikasal. Si Xandra at Keith na parang aso't pusa pa rin pero halatang mahal ang isa't isa. Si Lyle at Bella na nalaman niyang mag-asawa na pala noong wala pa siya.

Hanggang sa matapos silang kumain at nanuod sila ng sine. Love story ang pinanunuod nika kasi hinayaan siya ng nobya na pumili ng movie. Pagkatapos bumili ng ticket at makakain ay pumasok na sila sa loob.

Naupo sila sa bandang gilid kung saan walang masyadong makakakita sa kanila. Hanggang sa magsimula ang palabas. Tutok na tutok si Ashi sa screen samantalang siya ay nakatingin lang dito.

"Stop staring at me. I can't focus on the screen, Bisugo." Mahinang sita nito sa kaniya.

Natawa siya bago ito niyakap pasandal sa balikat niya.

"Ang ganda mo kasi, kaya hindi ko maiwasang titigan ka," malambing na saad niya.

Hindi nagsalita ang dalaga kaya tiningnan niya ito. Nakita niya itong napapalunok habang nakatingin sa screen.

As he look in front, he saw the male and female lead kissing. Nakangiting nilingon niya uli ang nobya.

"Gusto mo gayahin natin sila?" Malokong tanong niya.

Muntik nang masamid ang dalaga sa ininom nitong drinks dahil sa sinabi niya na ikinatawa niya.

"Gusto mo makatikim ng kamao?" Matalim ang matang tanong nito.

Imbis na matakot o masindak ay nginitian niya lang ito ng matamis. Inirapan naman siya nito bago uli tumingin sa screen.

"Hey! Huwag mo nga akong sungitan." Kunwaring nagtatampong anas niya.

"Tsk!" Singhal ni Ashi.

"Hey!" Pangungulit niya.

"Shut up."

"Love,"

"What?" Mahinahong lingon sa kaniya ni Ashi.

Napangiti siya. Love lang pala ang katapat nito. Malambing na niyakap niya ito bago ninakawan ng halik sa labi.

Hindi nakapalag si Ashi, bagkus ay napapikit ito. Tinitigan niya ito bago tuluyang sinakop ang labi ng nobya.

"Mmm..." mahinang daing ni Ashi.

Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon