Epilogue

288 10 0
                                    

NAPAAWANG ang labi ni Ashi habang nakatingala sa malaking bahay na nasa harapan niya. Dalawang palapag iyon, kulay krema at itim ang pintura ng bahay. Mataas ang mga pader at ang golden gate niyon na may nakaburda sa itaas na 'ASHDRIX MANSION' na talagang makakakuha ng atensiyon ng sinumang pupunta roon. Hindi siya makapaniwalang lumingon kay Drix na nakangiting nakatingin lang sa kaniya.

"Atin talaga 'yan?" May pagdadalawang isip ma tanong niya rito.

He chuckled.

"Yeah. It's our mansion, wife." Nakangiting sabi nito sabay tingin sa malaking gate. "Ashdrix means Ashi and Drix's mansion," he added happily.

Hindi siya nakapagsalita. Hindi niya aakalaing nakapatayo ng ganun kaganda na bahay ang asawa niya. No hindi nga niya alam na may bahay pala itong ipinapagawa.

"Kailan mo pa iyon pinagawa?" Curious na tanong niya.

Lumapit ito sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran saka ibinaba ang baba nito sa balikat niya.

"It was built 7 years ago." He answered.

"Seven years ago?" Kunot-noong tanong niya.

He nodded.

"Yeah. Ipinagawa ko iyon mula nung maging tayo which is seven years ago. Actually, hindi pa yun natapos noong naka-graduate tayo sa highschool. Na stop yun noong nangyari ang labanan natin kela Mr. Villarino at ipinadala ako sa America para roon gamutin. Hindi ko alam na nakita nila mom ang blueprint ko at ipinagpatuloy nila ang paggawa ng bahay natin." Nakangiti at mahabang lintaya nito.

Napatango-tango naman si Ashi sa sinabi nito. Hindi talaga niya inaasahan na nagpatayo ito ng bahay para sa kanila gayung magkasintahan pa sila seven years ago.

He's really something.

Iginiya siya nito papasok sa loob. Hinayaan nilang sa labas na muna ang sasakyan at ang guard na lang ang magmaneho niyon papasok sa loob. Namangha siya ng makita ang loob. Malawak na bakuran at may fountain pa sa gitna. May mga harden sa gilid at iba't ibang kulay ng mga bulaklak.

Medyo malayo kunti ang bahay mula sa malaking gate. Pero kaya namang lakarin ng ilang minuto. Halos malula siya sa ganda ng paligid hanggang sa tumapat sila sa malaking pinto.

"Let's open the door together, love." Masuyong wika nito.

Pero bago pa man niya hawakan ang door knob ay humarap sita sa asawa. May gusto lang siyang itanong rito.

"Love,"

"Yes?" He asked.

"Bakit nagpatayo ka ng bahay?" She asked.

Kumunot ang noo nito sa tanong niya. "Bakit naman hindi?" Balik tanong nito.

Napakagat-labi siya at huminga ng malalim. "I mean, magkasintahan pa lang tayo noon. Hindi pa ganun kalalim ang relasyon natin. Papaanong nagpatayo ka ng bahay at pangalan natin ang inilagay mo?" Nalilitong tanong niya.

Ang kaninang kunot-noo nito ay nawala at napalitan ng isang matamis na ngiti.

"Ipinatayo ko ang mansion na ito para sa atin, dahilan simula nang sagutin mo ako, alam kong tayo talaga ang para sa isa't isa at bubuo rito ng pamilya." Madamdaming wika nito na nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon