chapter 209 "Cheat"

152 9 2
                                    

LAKAD-TAKBO ang ginawa ni Ashi habang palabas ng building. Hilam sa luha ang mga mata habang nakakuyom ang mga kamaong lumabas ng exit. Halo-halo ang imosyong nararamdaman at halos mabiyak ang ulo niya sa daming naglalaro sa isipan niya. Hindi man lang nito inindnag nakatakong at fitted dress pa siya hanggang ngayon. Pinagtitinginan pa siya ng mga taong nadaanan niya pero wala ni isang binigyan niya ng pake. Parang sasabog na siya sa galit at sakit na nararamdaman niya.

Hanggang sa tuluyang makalapit sa parking area at walang pasabing sumampa sa motor niya. Wala siya sa sarili't kantinuan. Lumilipad ang isip niya habang nanunuot ang sakit sa puso na sagad pa sa buto.

"How could you do this to me..." nasasaktang bulong niya sa kawalan.

Binuhay niya ang makina ng motor, pinaingay iyon as if mababawasan n'on ang sakit na nararamdaman niya. Akmang aalis na siya nang may luha sa mga mata nang mapatigil ito.

"Ash..." Humahangos na banggit ni Drix sa palayaw niya.

Nakaharang na ito sa harapan niya ng may nagmamakaawang tingin. Kitang-kita niya ang takot at pag-aalala sa mukha nito pero parang kidlat sa bilis na nagbago ang mukha ni Ashi.

Ang kaninang hilam sa luha ay naging blanko at wala ni isang imosyon ang makikita sa mga mata nito.

"Ash, please... let's talk." Pagmamakaawa ng binata.

Her jaw tightened. Her teeth gritted in anger and disappointment.

"Alis," nagpipigil na wika niya.

Pero umiling lang ang binata. Nakita niyang nagbabadya na ang mga luha nito sa magaganda nitong mga mata.

"No. Let's talk, Ash, please..." He beg.

Tumalim ang mga mata ni Ashi sa inis. Pilit nitong itinatago ang totoong imosyon para hindi makita ng binata. Kung titingnan siya ngayon ay parang bumalik ang tunay na Ashi 5 years ago.

"I said, get out of my way." Mariing ulit niya.

Imbes na makinig ay hindi sumunod ang binata. Nagulat pa siya nang bigla itong lumuhod sa harap niya kasabay nang sunod-sunod na pagpatak ng mga liha nito.

She frowned.

Hindi siya nakakilos habang nakatingin dito. Parang pinagpira-piraso ang puso niya nang makita ang lumuluhang mukha nito. Napahigpit ang hawak niya sa kambyo ng motor. Nang mag-play uli sa isip niya ang nasaksihan kanina ay napatiim-bagang siya. Napalitan ng galit ang awa sa puso niya.

Ever since, she didn't want to see him crying. But now... seeing him crying in front of her is useless for her. Anger and hatred pulled her to the fullest.

"Umalis ka sa daanan ko," nagbabanta ang boses na utos niya.

"I won't until you'll talk to me." Basag at mahina ang boses saad nito.

Marahas na nagbuga ng malakas na hangin si Ashi, naiinis, nababagot at nauubusan na ng pasensiya. Panaka-nakang napapatiim-bagang ito.

"Hindi ako nagbibiro, Mr. Chevalier," nababagot na anas niya.

He frowned.

"A-ash..." puno ng sakit na sambit nito.

Her face darkened.

"Aalis ka o sasagasaan kita?" Malamig pa sa Antarctica ang boses na banta niya.

Natigilin si Drix dahil sa sinabi niya. Bakas ang hindi pagkapaniwala at sakit sa mga mata nito. But the hell she care. Masyado na siyang kinain ng galit at poot sa mga sandaling ito.

Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon