Kyla's Pov.
Maaga kaming pinapapunta ng mga Ibañez sa mansion nila. Tinawagan kasi kami ni Kuya Jiro kagabi para papuntahin do'n.
Kakausapin daw kami ng Grandmaster.
"Hey! Bakit kaya kakausapin tayo ng Grandmaster?" tanong ko pa kay Xandra.
"I don't know either." kibit-balikat na sagot nito.
Nagkibit-balikat na lang din ako bago sumampa sa motor ko. Sabay kaming umalis ng bahay at nagtungo sa mansion.
Pagdating namin ni Xandra sa tapat ng gate ng malaking mansion ay pinagbuksan kami ng guard.
Ipinasok namin sa loob ang mga motor namin ni Xandra.
Binati pa kami ng mga tauhan pagpasok namin sa loob.
"Where's Grandmaster?" tanong ni Xandra.
"Good morning, young ladies. This way," sabi pa ng isang katulong.
Sumunod na lang kami sa kaniya kung nasaan sila Grandmaster.
Ang laki-laki ng bahay pero ang tahimik.
Jusko!
"Oh, you're here." sabi pa ni Grandmaster.
"Good morning, Grandmaster." sabay na bati namin ni Xandra at nagbow sa harap niya.
May hawak itong espada na sobrang kinang at talim.
*Lunok
Nagkatinginan pa kami ni Xandra bago napayuko.
"Take your sit." pormal na sabi ni Grandmaster.
Naupo agad kami ni Xandra habang nakayuko pa rin.
Jusko!
Kapag kami ni Xandra daig pa naming pipi dahil takot magsalita kapag kaharap ang Grandmaster na may hawak na espadang kumikinang.
Pero kung si Ashi 'yon malamang chin up while sitting ang isang 'yon.
Hayst!
"Ahm, kakausapin niyo raw ho kami, Grandmaster?" magalang na tanong ni Xandra.
Tumikhim pa ang Grandmaster bago magsalita.
"Mmm. Where's, Ashi?" seryusong tanong nito.
"Hindi pa rin ho umuuwi, Grandmaster. Hindi rin namin mahanap." magalang na sagot ni Xandra.
Rinig kong napabuntong-hininga ang Grandmaster.
"She's really mad at us." sabi pa nito.
"A-ah, eh hindi naman ho sa gano'n, Grandmaster. Alam ho nating hindi madali sa kaniya ang mga nalaman niya. Baka ho nagpapalamig lang ng sama ng loob o kaya gusto niyang mapag-isa na muna." magalang na sabi ko pa.
Hindi nagsalita ang Grandmaster at tanging pagbuntong-hininga na lang ang narinig namin.
Alam naming nag-aalala siya ng husto sa apo niya.
Noon pa man malapit na si Ashi sa grandmaster kahit pa nung buhay pa si Tita Irish.
"By the way, let's talk about the serious matter." biglang sabi ni Grandmaster.
"Ano ho 'yon?" tanong ni Xandra.
Napatingin pa kami sa espada na inilapag ni Grandmaster sa mesa sa gitna naming tatlo.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Three (last season) Complete
Roman pour AdolescentsPagkatapos malaman ni Ashi ang tungkol sa pagkatao niya at sa tunay niyang ina sa mismong araw na official girlfriend na siya ni Drix ay bigla itong umalis ng walang pasabi. Hindi na siya ma contact ng pamilya at kaibigan nito. Lalo na si Drix na na...