Ashi Vhon's Pov.
Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang gilid ko. Napamulat ako ng mata at sumalubong sa akin ang kisame ng kwarto ko rito sa mansion.
Napapikit pa ako ulit bago nagmulat at dahan-dahang bumangon. Napangiwi pa ako ng kumirot ang sugat ko.
"Oh! You're awake!" rinig kong boses ni Nami.
Lumapit siya sa akin at inalalayan akong makasandal sa headboard ng kama ko.
"Pa'no ako nakapasok sa kwarto ko kagabi?" tanong ko ng maalala kong nasa coach ako nakahiga kagabi dahil wala na akong lakas umakyat sa kwarto ko.
"Tinulungan ka naming akayin ng daddy mo bago pinagamot kay Jiro ang sugat mo. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" nakangiting tanong ni Nami.
Napabuntong-hininga na lang ako at tumango.
"Onēsan, drink this." sabi pa ni Asher ng pumasok itong may dalang tubig.
"Thanks." maikling sabi ko bago inabot ang baso ng tubig at uminom.
Parang nanghihina ang katawan ko.
Tsk!
"Kumain ka muna, hija. Hapon na at wala ka pang agahan at pananghalian." sabi pa ni Nami.
Salubong ang kilay na nilingon ko siya. Agahan at pananghalian?
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya.
"Pasado alas-dos na ng hapon. Hindi ka namin ginising para makabawi ka ng lakas." sagot nito at inilagay sa kama ang tray na may lamang pagkain.
"Onēsan, can I feed you?" nakangiting tanong ni Asher.
Napatingin ako sa pagkain bago tumango.
Napangiti pa siya lalo at naupo sa tabi ko bago kinuha ang tray at inilagay sa kandungan niya.
"Oh siya, maiwan ko na muna kayong dalawa. Asher, take care of your ate. Ash, drink your medicine after eating ok?" bilin pa nito.
Tsk!
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Agad na siyang lumabas ng kwarto kaya sinubuan ako ng kapatid ko.
"Onēsan, how was your feeling?" tanong pa nito.
Nilunok ko muna ang pagkaing sinubo niya sa akin bago sumagot.
"Ayos lang ako." sagot ko sa kaniya.
Tumango siya at sinubuan uli ako. Tahimik na kumain na lang ako hanggang sa matapos na.
Ininom ko ang gamot.
"Where's Kyla and Xandra?" tanong ko pa.
"They're not go home yet since last night. I didn't know where they are." kibit-balikat na sagot pa nito.
Tumango na lang ako. Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.
"Pasok!" nakapikit na sagot ko pa.
Bumukas ang pinto at narinig ko ang yabag nitong palapit sa akin.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo, Ash?" tanong pa ni Jiro.
![](https://img.wattpad.com/cover/280451550-288-k126425.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Three (last season) Complete
Teen FictionPagkatapos malaman ni Ashi ang tungkol sa pagkatao niya at sa tunay niyang ina sa mismong araw na official girlfriend na siya ni Drix ay bigla itong umalis ng walang pasabi. Hindi na siya ma contact ng pamilya at kaibigan nito. Lalo na si Drix na na...