Ashi Vhon's Pov.
Lumipas ang ilang araw at unti-unti ng gumaling ang sugat sa gilid ko. Medyo malalim ito dahil sa pagdiin ng hangal na lalaking 'yon.
Humanda talaga sa akin ang gagong 'yon.
Tsk!
Kahit palapit na ang bagong taon ay naging busy kami nila Xandra. Pati na rin sila Bisugo.
Habang nag-iimbistiga kami nila Xandra sa nangyari sa tunay kong ina ay tinutulungan din namin sila Bisugo.
Mukhang matinik ang mga taong nagbabalak ng masama sa lolo niya.
Tsk!
Nakausap ko na rin ang pamilya ko at ipinaliwanag nila sa akin ang lahat. Naintindihan ko naman kung bakit nila tinago sa akin ang tungkol sa tunay kong ina.
Ipinakita na rin nila sa amin kung ano ang meron sa basement ng mansion nila Lolo Adolfo at Lola Marites.
Isang robot ang nakita ko roon na kamukha nila Mom.
Ang sabi nila Lolo ay pinasadya nilang gawan ng robot na kamukha nila Mompara ilagay sa basement.
Iyon daw ang gusto nila Mom dati ng tunay kong ina. Para kahit papano'no ay makikita ko pa rin silang dalawa kahit wala na sila.
Sinabi na rin nila sa akin kung anong meron sa kuwintas na nakita namin ni Xandra sa atik ng mansion.
Tsk!
At ngayon ay patungo ako sa bahay nila Deb. Gusto kong makausap si Tito Frank.
Siya na lang ang tanging makakausap ko para malaman kung sino ang pumatay sa ina ko bukod sa nurse na nasa Makati city Jail.
Narinig ko pang tumunog ang cellphone ko pero hindi ako nag-abalang tingnan kung sino.
Pagdating ko sa tapat ng bahay ng mga magulang nila Deb ay nag doorbell ako.
Pinagbuksan naman ako ng katulong nila at pinapapasok sa loob.
Pagpasok ko ay nakita ko si Tita Debby ang Mommy ni Deb.
"Hija? Oh my gosh! You're here!" nakangiting sabi pa nito sabay lapit sa akin.
Nahihiyang ngumiti na lang ako at tumango.
Inalalayan pa niya akong maupo sa sala nila.
"Long time no see, hija. Mas lalo kang gumanda, ah!" sabi nito habang sinusuri ako ng tingin.
Napakamot na lang ako ng batok bago nagsalita.
"Ah, hindi naman ho, Tita." nakaiwas tingin saad ko pa.
Tinawanan niya lang ako.
"By the way, how are you? Sinabi ni Deb ang nangyari sa inyo noong nakaraan. Ayos ka lang ba, hija?" tanong pa nito.
Tumango ako bago nagsalita.
"Ayos lang naman ho ako, Tita. Maayos na ang sugat ko ngayon." nakangiting sagot ko pa.
Tumangu-tango siya at inutusan ang katulong na magdala ng snacks.
"Ate Ash?" rinig kong boses mula sa hagdanan.
Napatingin ako roon at nakita ko si Bienddy ang kapatid ni Deb.
Magka-edad lang sila ni Asher.
"Oh? Nandito ka rin pala?" tanong ko pa sa kaniya.
Nakangiting tumango siya at lumapit sa akin.
"Yeah. I arrive last week." sagot niya.
Tumango na lang ako. Actually, magkaibigan sila ni Asher. Same school rin sila sa U.S.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Three (last season) Complete
Teen FictionPagkatapos malaman ni Ashi ang tungkol sa pagkatao niya at sa tunay niyang ina sa mismong araw na official girlfriend na siya ni Drix ay bigla itong umalis ng walang pasabi. Hindi na siya ma contact ng pamilya at kaibigan nito. Lalo na si Drix na na...