Mahinang napamura si Ashi nang matapon sa lupa ang lahat ng hawak niya nang may bumunggo sa kaniya. Buti na lang nahawakan niya ng maayos ang cellphone niya kaya hindi iyon nahulog. Nasa isang park kasi sila ni Drix at pansamantalang umalis ang binata para bumili ng makakain nila. Kaya naglakad-lakad siya at iyon nga, nabunggo siya ng kung sinong impakta. Ngunit mabikis namang humingi ng tawad ang nakabunggo sa kaniya at uto ang pumulot ng lahat na natapon sa lupa.
"I'm sorry, Miss, nagmamadali kasi ako, eh." Wika ng babae sabay tayo at inabit sa kaniya ang mga natapon kanina.
Tiningnan niya iyo ng mabuti, maganda't maamo naman ang mukha nito. Dinaig pa nitong isang artista't modelo.
"It's okay." Maikling tugon niya bago tumalikod.
She don't want to be rude to her but what else she can do? That's her personality since before.
Naupo na lang siya sa isang bench na nadaanan niya upang doon hintayin si Drix. It was their first monthsary since nag propose sa kaniya ang binata. Gusto nitong mag-date sila at kumain sa restaurant pero mas pinili niyang maglakad-lakad sa park.
Tahimik na nakatingin lang siya sa mga batang naglalaro na animo'y walang problemang ininda ang nga ito. They look so happy while playing.
Napabuga na lang siya ng hangin.Nakita niyang papalapit na si Drix at may dala itong mga supot at paperbag. Tinitigan niya ang binata, mula noong nakaraan ay may bumabagabag na sa kaniya.
Pakiramdam kasi niya ay nagsinungaling lang sa kaniya ang binata noong tinanong niya kung ano ba talaga ang kinabisihan nito. Mas naging busy na rin ito these past few days.
Laging umaalis at minsan hindi pa nakakatawag o text sa kaniya. Minsan naman ay ay lagi itong may kausap sa phone at lumalayo ap sa kaniya tuwing sasagutin nito ang sino mang tumawag sa kaniya.
Noong tinanong niya kung bakit mas naging busy pa ito ngayon ay sinagot naman siya na busy to sa paghahanda ng kasal nila 5 months from now on. Gusto kasi nila ng binata na June 25 ang kasal nila. Next week naman ang kasal nila Kyla at Keart.
Nakahanda naman na kasi ang kasal nila at naghihintay na lang ang mga ito sa araw ng mismong kasal nila. She's happy for her best friend. Sa dami ng pinagdaanan nila mula high school pero heto sila ngayon. Malapit ng ikakasal sa mga taong magiging kabiyak nila sa buong buhay nila.
"Hey! You're spacing out." Biglang pukaw sa kaniya ni Drix.
"Why?" Tanong niya.
"I said, let's eat first." Nakangiting sagot ng binata.
Inilapag nito sa gitna nila ang mga pagkaing pinamili nito. Pagkatapos ay sinubuan siya nito ng chicken leg barbeque.
"Here," nakangiting anas nito at inumang sa bibig niya ang barbeque.
Kumagat naman siya agad at kumain. Masarap ang barbeque at sakto lang ang sauce nito.
"Masarap ba?" Nakangiting tanong ng binata.
"Mmm," tangong sagot niya.
Nakangiting kumagat din ang binata at sabay silang kumain. Nag-uusap din sila habang kumakain hanggang sa matapos sila pareho at ibinigay sa batang lansangan ang natirang pagkain.
Naawa kasi siya sa bata dahil halatang gutom na gutom na ito. Binigyan pa niya ito ng limang daan para naman makabili ito ng damit at pagkain.
"Love," tawag sa kaniya ng binata.
"Hmm?" Tugon niya.
Nakapikit na nakasandal siya sa dibdib nito at dinama ang simoy ng hangin na tumatama sa balat niya. It make her calm even more.
![](https://img.wattpad.com/cover/280451550-288-k126425.jpg)
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Three (last season) Complete
Teen FictionPagkatapos malaman ni Ashi ang tungkol sa pagkatao niya at sa tunay niyang ina sa mismong araw na official girlfriend na siya ni Drix ay bigla itong umalis ng walang pasabi. Hindi na siya ma contact ng pamilya at kaibigan nito. Lalo na si Drix na na...