Dixon's Pov.
Kinabukasan
Nandito kaming lahat ngayon sa cemetery para sa libing ni Lolo. Hindi mawala ang lungkot sa dibdib ko habang tahimik na nakatayo at nakatingin sa kabaong nito.
I didn't expect na mawala siya ng ganito ka-aga.
Lumipas lang ang dalawang araw matapos ang bagong taon ay nawala na siya.
Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. Kagabi ay napanaginipan ko pa ito.
Napahinga na lang ako ng malalim at nakinig sa pari na nagsasalita sa harap. Nang matapos ay sininyasan ni Dad ang apat na lalaki upang maibaba na ang kabaong.
Ramdam ko ang lungkot ng lahat ng mga nakilibing.
Narinig ko pang nag-uusap ang iba sa likod. Pinag-uusapan nila ang mga kabutihang nagawa ni lolo sa mga taong tinutulungan nito noon.
Alam ng lahat ng nandito na mabuting tao si lolo noon pa man.
Umiiyak pa si Mom na inaalo ni Dad pati na rin si Drixie habang naglalagay ng bulaklak sa kabaong ni lolo.
Napayuko na lang ako. Tinapik pa ni Lyle at Keith ang balikat ko bago nagsalita si Lyle.
"Don't worry, dre. Alam kong masaya si Dean ngayon kung nasaan man siya." mahinang sabi niya.
Hindi na lang ako nagsalita at napatingin sa bulaklak na hawak ko bago dahan-dahang lumapit sa harap ng hukay ni lolo.
This is the last time na makikita kita, lolo.
Sana nga ay masaya ka ngayon kung nasaan ka man, lo.
Sana gabayan mo kami lagi ng pamilya natin. That I can protect our family.
Napabuntong-hininga ako ng may maalala ako. Nawala na lang si Lolo na hindi nila nalalaman ang isang bagay na tanging kaming limang magkakaibigan lang ang nakakaalam.
I'm sorry if I didn't let you know who I am right now. But don't worry, If things will be fine I'll visit you here to let you know about it.
I love you, Lo. Thank you for everything. Your memories will always be in my heart.
I promise that I will never be a stubborn again. This is the last time that I will saw you.
Just rest in peace.
Sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa kabaong niya bago inihagis ang bulaklak.
I wiped my tears before I turn my back. I look at the person who gave me a strength and courage. The person who I love the most.
She's just looking at me while there is a 'it's ok. Things will gonna be fine' look.
I just gave her a secured smile before I turn back to where I stand a while ago.
Sunod-sunod na naglagay ng mga bulaklak ang mga taong nakilibing. Pati na rin ang mga staffs, shareholders, teachers and students from SFU ay nandito.
Lumapit din ang mga Acosta at Ibañez. Kinausap pa nila sila Mom bago bumalik sa puwesto nila kanina.
Napatingin ako kay Panget ng lumapit din siya. Nakatingin lang siya ng pormal sa kabaong ni lolo.
Parang may sinasabi ito sa isip niya. Nakita ko pang bahagya siyang ngumiti bago inilagay ang bulaklak na hawak niya.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Three (last season) Complete
Novela JuvenilPagkatapos malaman ni Ashi ang tungkol sa pagkatao niya at sa tunay niyang ina sa mismong araw na official girlfriend na siya ni Drix ay bigla itong umalis ng walang pasabi. Hindi na siya ma contact ng pamilya at kaibigan nito. Lalo na si Drix na na...