chapter 176 "Break up"

146 12 0
                                    

Ashi Vhon's Pov.


Lumipas ang isang araw matapos ang bagong taon. Naging busy na ulit ako sa pag-imbestiga sa mga taong sangkot sa pagkamatay ng tunay kong ina.

Masyadong matinik ang taong pinaghinalaan kong may pakana ng lahat.

Tsk!

Siguraduhin niya lang na hindi ko siya mahuhuli. Dahil kapag nahuli ko siya ay asahan niyang pagbabayaran niya ang kalasanan niya sa akin.

Hindi ako ang tipo ng taong madaling sumuko.

"Ash, tumawag si ate Lyka na may nakuha na silang info tungkol sa mga lalaking sumugod sa mansion noong nakaraang buwan." rinig kong sabi ni Kyla.

Nandito kami ngayon sa mansion ng mga Ibañez. Si Grandmaster ang may kagustuhang dumito na muna kami pansamantala.

Psh!

"Ipasend mo sa kaniya ang info para makita ko o kaya sabohin mong kakausapin ko silang dalawa ni Clark." utos ko sa kaniya.

Tumango ito bago lumabas ng kwarto ko.

Napabuntong-hininga na lang ako bago naupo sa harap ng table ko.

May isang bagay pa akong kailangan na alamin.

Binuksan ko ang laptop ko at pinasok ang website ng mga Villarino. Sila ang may pakana sa pagtangka sa buhay ni Dean Chevalier.

Bago pa nalaman ni Bisugo ang tungkol sa lintik na ito ay nalaman ko na kung sino si Mr. Villarino.

Kahit sobrang busy ko sa pag-imbestiga tungkol sa ina ko ay nag-imvestiga rin ako tungkol sa taong nagtangka kay Dean Chevalier.

Ayaw kong mahirapan ang taong mahalaga sa akin.

If I can help then I will.

Alam kong pinoprotektahan ni Bisugo ang pamilya niya. Alam ko kung gaano ka halaga sa kaniya ang lolo niya.

Naging busy na rin siya noong nakaraang araw at kahapon. Hindi nga niya nasagot ang tawag at text ko.

I understand him. Besides, we're both busy right now.

Tsk!

Nang mapasok ko ang website nila ay binasa ko ang mga nakasulat.

Mmm.

Zoren Villarino ang nag-iisang anak ni Mr. Lorenzo Villarino. Iren Villarino ang asawa ni Mr. Villarino.

Binasa ko pa ang iba pang mga info na nakita ko. Napapailing na lang ako matapos basahin ang mga nakasulat.

So, that's the reason why they want to kill Dean Chevalier?

Tsk!

Stupid reason.

Niligpit ko na lang ang laptop ko bago tumayo at pumasok sa banyo. Maliligo na lang muna ako bago gawin ang mga dapat kong gawin.

Malapit na uli ang pasukan at kailangan kong alamin kung sino ang taong nag-aral sa SFU na konektado kay Alexander.

Lintik lang ang walang ganti!

Nang matapos akong maligo ay agad na akong lumabas ng banyo at nagbihis.

Saktong tapos na ako ng mag vibrate ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay isang unknown number ang nasa screen ng cellphone ko.

Sino naman 'to?

Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon