TAHIMIK na umiinom sa KJMAX resto bar si Ashi habang nakatitig sa kawalan. Inikot-ikot nito ang laman ng baso at blanko ang mukhang nilagok iyon. Wala siya sa mood na manatili sa condo nito kung ka'yat pumunta siya roon upang magpalipas ng oras. She wanted to drink, too to ease herself from thinking too much. Nagsalin siya ng panibago sa sa baso niya at sunod-sunod na nilagok iyon. Tiningnan na lang niya sila Joy na inaasikaso ang mga customers nila.
Nabaling ang atensyon niya sa cellphone niya nang tumunog iyon. Nang tingnan niya ay si Kyla pala, paniguradong tungkol na naman iyon sa kasal nila bukas. Bukas na kasi ikasal ang mga ito kaya sinisigurado ng kaibigan na pupunta talaga siya.
"[Oh?]" Sagot niya sa tawag nito.
"[Nasaan ka?]" Tanong ng kaibigan.
"[Nasa bar, bakit?]" Malumay na tanong niya.
"[Ano? Bar? Anong ginagawa mo riyan?]" Takang tanong nito.
"[Nag-shopping,]" sarkastikong sagot niya.
"[Tch! Ang tino ng sagot mo, Ash.]" Halatang nakangiwing sabi ng kaibigan.
"[Tsk!]" Singhal niya bago inilagok ang laman ng basong hawak niya.
"[Seriously, may problema ka ba?]" Mahinahong tanong ng kaibigan.
Natigilan siya sa tanong nito. Kapagkuwan ay napahinga siya ng malalim bago sumagot.
"[Wala,]" maikling sagot niya.
"[Wala raw pero malalim na napabuntong-hininga.]" Sarkastikong wika niti sa kabilang linya.
"[Tsk! Why are you calling?]" Pag-iiba niya sa usapan.
"[To make sure na hindi mo indyanin ang kasal ko.]" Sagot nito.
Napangiwi siya sa sagot nito. Sinasabi na nga ba niya eh. Napapailing na lang siya as if makita ng kaibigan niya.
"[I'm not. Don't worry,]" aniya bago ibinaba ang tawag nito.
Inubos niya ang huling bote ng whiskey hanggang sa makaramdam siya ng hilo. Natamaan na ata siya ng alak kaya tumayo siya. Nagpaalam siya kela Joy bago siya tuluyang lumabas ng bar.
Saktong pagkarating niya sa parking lot ay nakita niya si Drix na nakasandal sa kotse nito na animo'y may hinihintay. Hindi siya napansin nito dahil parang may malalim na iniisip ang binata.
He look pale and worried.
Ipinilig niua ang ulo bago lumapit sa motor niya. She was about to hope in when Drix called her.
"Ash,"
Malumay na nilingon niya ito. Lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. Hindi siya nag-abalang pumiksi sa binata at hinayaan niya lang ito.
"What do you want?" She asked.
"Can we talk?" He asked.
"Talk for what?" Blankong tanong niya.
"For us." He answered.
"What about us?" Nakaiwas tinging wika niya.
"Ash, please... let's talk for a while, please." He beg.
"Why don't you talk to your so called 'friend' instead of me?" Blankong saad niya.
Sunod-sunod na umiling ito at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya. He intertwined their hands.
"No. No. We neecd to talk, Ash. Please. I'm begging you, love." Hindi mapakaling pakiusap nito.
Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata upang kalmahin ang sarili at ang epekto ng alak sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Fall Into Her season Three (last season) Complete
Teen FictionPagkatapos malaman ni Ashi ang tungkol sa pagkatao niya at sa tunay niyang ina sa mismong araw na official girlfriend na siya ni Drix ay bigla itong umalis ng walang pasabi. Hindi na siya ma contact ng pamilya at kaibigan nito. Lalo na si Drix na na...