chapter 180 "Lamay"

159 12 3
                                    

Drixon's Pov.

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa narinig kong tunog ng cellphone. Napamulat ako ng mata at sumalubong sa akin ang puting kisame.

Nandito pa rin ako sa hospital at gusto ko ng lumabas ngayon.

Nakaramdam na naman ako ng lungkot ng maalala ko si lolo. Ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko.

Hindi ko maiwasang maiyak kagabi ng makatulog si Panget.

Kahapon ko pa pinipigilan ang emosiyon ko dahil ayaw kong makita ako ni Panget na umiiyak.

Alam kong ayaw niya akong makitang umiyak.

Napalingon ako sa gilid ko. Tulog pa rin si Panget habang nakahawak sa kamay ko.

Napahinga ako ng malalim at napangiti. Kahit malungkot ako ay masaya pa rin ako dahil maayos na kaming dalawa.

Hindi ko siguro kakayanin kung nakipaghiwalay siya sa akin ng tuluyan sa ganitong sitwasyon.

Bumangon ako at inabot ang cellphone niyang nasa bedside table. Tiningnan ko ang caller at si Debbien ang nasa screen.

Tse!

In-off ko ang cellphone niya bago ibinalik sa kinalalagyan niya.

Muli akong tumingin kay Panget at mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya. Kung wala pa siya ay hindi ko alam ang gagwin ko.

Siya lang ang nakapagpakalma sa akin.

Napalingon ako sa may pinto ng marinig kong bumukas ito.

Akmang magsasalita ang nusre ng sinyasan ko ito na huwag maingay.

"Take off my dextrose." mahinang sabi ko sa kaniya.

Tumango ito at sinunod ang sinabi ko. Nakausap na namin ni Panget kagabi ang doctor na gusto ko ng lumabas.

Buti na lang at pumayag ito. Nakiramay pa siya dahil sa pagkawala ni lolo.

Napabuntong-hininga na lang ako at bumaba ng kama ng hindi nagigising si Panget.

Nilagyan ko siya ng kumot sa likod. Nakaupo kasi siya sa upuan habang nakadukdok sa gilid ng kama ko ang ulo nito.

Hinalikan ko siya sa noo bago pumasok sa banyo. Naghilamos ako ng mukha.

Magang-maga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi. Hindi pa ako halos makatulog ng maayos dahil naiisip ko si lolo.

Nagsipilyo na lang ako pagkatapos ay lumabas ng banyo.

"Good morning, love." nakangiting bati ko ng makitang gising na ito.

"Mmm. Good morning, too." paos ang boses na bati niya.

Inabutan ko siya ng isang basong tubig na agad naman niyang kinuha at ininom.

"Bumalik na ba ang lakas mo?" tanong nito matapos uminom ng tubig.

"Mmm. Ang galing mag-alaga ng nurse ko, eh." nakangiting sabi ko sa kaniya.

Napapailing na lang siya sabay tayo. Napahikab pa siya kaya natawa ako.

Pumasok siya sa banyo, inayos ko na lang ang kama pati ang mga gamit namin.

Saktong tapos na ako ay lumabas ito ng banyo.

"Let's go?" yaya ko sa kaniya.

Tumango siya at kinuha ang paperbag. Sabay kaming lumabas ng Kwarto at naglakad sa pasilyo.

Fall Into Her season Three (last season) Complete Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon