SIXTY FIVE

301 8 1
                                    

BRIELLA

Lumipas ang Thursday at Friday ng hindi ko namamalayan. Sabado na, at mamaya na ang party para sa CEO appointment ko, mag aannounce din kami ng new projects na irerelease. May halong kaba at saya ang nararamdaman ko.

Matapos ang gabi na magkasama kami ni Wyatt ay hindi pa kami nakakapag usap ng maayos dahil biglang dumami ang kailangan naming gawin lalo na ako, I have to re read the by laws para maging aware ako sa mga ito.

Mamaya pag tapos ng party ay kakausapin ko na si Wyatt. Mas naeexcite pa yata ako dun kesa sa proclamation ko.

"Atchi, what should I wear? The blue one or the green one?" Tanong ni Camilla na di ko namalayang nandito na pala sa loob ng kwarto.

"Hmmm, the green one." Ngumiti ako. Full Heart Tie-Strap Midi Dress ang green kaya bagay ito sakanya. May corset fit ito at sobrang comfy ng tela.

"Thanks!" Lumabas na siya at napatingin ako sa isusuot kong damit na naka hanger sa coat rack ko.

Ang susuotin ko naman ay black maxi dress na may deep V line at long sleeve, may metal belt din at high side slit.

Dumating na ang make up artist, nag papa kuha talaga si Tita every time na may event kami.

Makalipas ang ilang oras ay handa na kaming pumunta sa Edsa Shang, kailangan naming mauna para igreet ang mga share holders. Si lolo, malamang late na naman yun. Gustong gusto niya ng grand entrance.

Alas sais ng gabi ng makarating kami sa Shang. Wala pa gaanong tao, nandun na ang ibang employees. Maging si Liam at Andrea ay nandito na just incase kailanganin daw ang tulong nila.

"Good evening." Bati ko sa employees and staff.

"Stunning as ever." Sabi ni Andrea at bumeso. Nag kamustahan at kwentuhan kami sandali, at ng dumating ng ang mga tao ay pumesto na ako para igreet sila.

Padami dami na ang guest, nag play sa screen ang mga future projects namin na mamaya ay ieexplain ko naman. Huminga ako ng malalim ng makita kong alas otso na ng gabi at wala pa si lolo.

"Ma'am, let's start?" Tanong ni Juls.

"How can we start? Wala pa si lolo." Sagot ko. Si lolo ang mag bibigay ng paunang speech, at ipapakilala na din niya ako. It would be awkward to stan infront at mag pakilala bilang CEO out of nowhere.

"Brie? Wala pa ba si Chairman?" Tanong ni Samuel sa akin. Umiling ako. Nakaramdam ako ng kaba. Alam ko namang mahilig talaga mag pa late si lolo pero sana di ngayon. He knows how important this event is. Muli kong ginala ang paningin ko at ang dami ng tao.

"How can we start without Chairman? Any ideas?" Tanong ko kay Samuel, di ko namalayan na nandun din si Julia at Andrea.

"I can come up sa stage and introduce you as the CEO." Sabi ni Samuel. "Promise, I won't do anything reckless, di kita ipapahiya." Ngumiti pa siya. Pero parang mas lalo lang akong kinabahan.

"Okay sige, let's do that." Sagot ko at napabuntong hininga, ramdam na ramdam ko din ang lamig ng mga kamay ko.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa kaliwang kamay ko at napalingon ako.

'Wyatt.'

"You'll do great. Kaya mo yan." Paano niya alam na kinakabahan ako.

"Wala pa kasi si lolo, pero mag uumpisa na." Sabi ko. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko. Gusto ko siyang yakapin para maibsan ang kabang nararamdaman ko pero bigla na lang nag salita si Samuel.

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon