Please follow my FB page: https://www.facebook.com/splitminded9
KELLY
Nandito na ako Brewing Beans, hindi ko alam kung pupunta ba si Briella or hindi dahil hindi naman siya nag reply sa text ko kahapon.
Malapit lang ang brewing beans sa kanila kaya dito ko napili.
Halatang mamahalin ang mga paninda dito dahil mamahaling subdivision ang mga nakatayo paligid nito.
Amoy na amoy ang kape sa buong shop.
Hindi ko din alam ang sasabihin ko sakanya kung sakaling pupunta siya. May kaba din akong nararamdaman.
Nang tumungtong ang alas kwatro ay panay na ang lingon ko sa pinto, nag hahalong sana pumunta siya at sana hindi pumunta ang nararamdaman ko. Patingin tingin din ako sa gilid.
Nagulat nalang ako ng may biglang umupo sa harapan ko, si Briella.
Napakaganda ng suot niya, naka off shoulder dress midi dress siya kitang kita ang colar bone niya. Naka ramdam naman ako ng kaunting inggit dahil alam kong mamahalin ang suot niya. Samantalang ako, simpleng dress lang.
"Why do you want to see me?" Paunang salita niya. Halatang halata sa tono niya ang inis at ang pagiging sopistikada.
"Ahmm, ahh gusto mo ba munang umorder?" Tanong ko. Bahagya pa akong ngumiti para itago ang kabang nararamdaman.
"Di ako mag tatagal, I just want to hear what you want to say." Diretsong sabi niya. Walang emosyon ang mukha niya, hindi ko alam kung galit ba siya.
"I understand." Sagot ko. "First of all, I want to say sorry." Sabi ko, kinakabahan padin ako. Tumango tango siya. "I know that you and Richard broke up, and I'm really sorry for that." Dagdag ko.
Tumayo siya. "Wait." Pag tawag ko sakanya.
"Kung sorry lang din naman ang sasabihin mo, ayoko ng marinig yan. Di ko kailangan yan."
"Please listen to me first. Please give Richard another chance." Tumitig siya sa akin ng matagal at umupo uli. Mukhang nakuha ko ang atensyon niya.
"I know it's strange for me to ask you about this, but please he's very miserable right now."
Tumawa siya ng sarkastiko. "Funny! You're so funny. Gusto mong bigyan ko ng chance si Richard after what the two of you did? Okay ka lang? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Muli siyang natawa at nakaramdama amo ng pagka pahiya. "You've chosen this, the both of you did. He already beg, kung gusto ko siyang bigyan ng chance binigay ko na." Kitang kita sa mga mata niya ang inis at ang sakit.
'He already beg.' Ang sakit sakit marinig.
"Kung kaya mo ng may kahati, pwes ako hindi. I won't settle for less, Kelly. What the both of you did... what you did is painful already, wag niyo ng paguluhin pa."
"I know, we know that. Kung pwede ko lang ibalik ang lahat." Sabi ko, at tumungo. Nahihiya ako sa ginawa ko, nahihiya din ako na nandito siya sa harapan ko.
"Naisip mo ba yan nung inaakit mo siya? Naisip mo ba yan nung nilalandi mo siya? Hindi diba? Tapos ngayon para kang kung sinong maamong tupa na humihingi ng chance, para saan pa ba Kelly? Di kita maintindihan." Sagot naman niya. Maski ako ay hindi maintindihan kung bakit ko to ginagawa. Napalakas ang boses niya at may mga naka tingin na sa amin.
"Naaawa na ako sakanya, di niya ako kinakausap at pinapansin dahil nakipag break ka." Mahinang sagot ko dahil iniiwasan ko sanang maka agaw ng atensyon sa mga tao.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...