Maxine
Sobrang traffic talaga pag nag cocomute. Nag grab lang ako kanina kasi coding yung sasakyan ko. Dapat makauwi ako bago mag rush hour.
Grabe busy na naman dito sa office, dahil may new trial on going si Bryan kaya ngarag na naman ang mga associates, buti nalang di na ako masyado iniistress sa ganyan kasi may mga clients na din ako. Thankful talaga ako sa promotion na to, atleast hindi kami nag kikita ni Caleb.
Iniiwasan ko talaga siya, hindi ko ineexpect na mag tatagal ng ganito na hindi kami mag uusap, at hindi siya mag papaliwanag. Mukhang seryoso nga siya kay Helga.
Tok tok tok
Napa angat ako ng tingin ng may kumatok. Binuksan naman agad niya ito.
"Mike! Anong meron?" Tanong ko.
"Lunch? Gugutom na ako." Sabi niya.
"Ngayon ka pa lang mag lalunch? Alas dos na ah." Sabi ko, tumango naman siya.
"Kawawa ka naman bossing." Tumawa ako, "kumain na ako pero pwede naman kitang samahan. Patapos na din naman ako sa rinireview kong contract." Sabi ko.
Malaki din ang utang na loob ko kay Mike, simula nung nahuli ko si Caleb ay isa na siya sa mga naging support system ko. Nang nakarating kami sa cafeteria ay halos wala ng makain.
"Order nalang tayo, tapos sa office ko nalang. Okay lang ba?" Tanong niya.
"Oo naman, basta libre mo ah." Tumawa siya.
"Parehas kayo ng bestfriend mo mahilig mag palibre." Natawa naman ako.
"Ewan ko din ba dun, ang yaman yaman pero palaging nag papalibre. Alam mo ba nung college kami madalas nag lalambing siya tapos maya maya nag papalibre na." Kwento ko.
"Ikaw din naman ang yaman yaman niyo. Teka kelan ba tayo pupunta sa Cebu?" Tanong niya. Nasa loob na kami nag opisina niya. Naka order na din siya ng pagkain, inaantay na lang namin.
"Ay oo nga pala. Buti nabanggit mo. Ikakasal yung kuya ko next next month. Punta tayo dun, sa Lopez din nag aral yun." Sabi ko, munti ko ng makalimutan sa dami ng iniisip ko.
"Really? Anong course niya?"
"HRM, siya nag mamanage ng isang resort sa cebu. Dalawa kasi sa Cebu." Sagot ko.
"Grabe ilang resorts ba meron kayo?" Tanong niya.
"4 lang, pero yung dalawang main sa Cebu malalaki kasi yun, dinadayo talaga."
Natigil ang pag uusap namin ng dumating na ang pagkain.
"Let's eat." Meryenda lang ang inorder ko, isang banana crepe at hot choco.
"Diba nakakahiya sa kuya mo? I'm sure kilala si Briella ng family mo, pero ako?"
"Sabihin ko date kita." Agad naman akong natawa sa biro ko.
"Talaga?" Tanong niya na parang namangha sa sinabi ko.
"Joke lang, siyempre workmates naman tayo wala namang problema dun."
"Ahh, okay." Sagot niya. Di niya yata nagustuhan ang biro ko.
"Hala sorry, di mo yata nagustuhan yung joke ko." Kinabahan ako, kasi close na kami ni Mike pero di pa ganong close na alam namin ang ikaka offend ng isa't isa.
"Gusto ko kasi totohanin mo." Sagot niya. Napalingon ako agad. Seryoso ang mukha at nakatingin siya sa pagkain niya.
"Baliw!" Tumawa ako, tumawa na din siya. Gumaan naman ang pakiramdam ko ng makita ko siyang tumawa.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romantik"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...