FIFTY FIVE

1K 22 3
                                    

Please follow my FB page: https://www.facebook.com/splitminded9


WYATT

It has been days since dumating ako dito sa Pilipinas. Unang una kong pinuntahan ay si Zen nung meeting with the stockholders. I was able to buy some stocks sa company niya nung bumaba ito, at sakto binenta din ni Mr. Wang yung stocks niya dahil mag migrate na sila sa US.

"Have you talked to lolo about our situation?" Si Abby. Nasa loob kami ng office ngayon at naka upo siya sa upuan sa harap ng mesa ko. Nag aalala ang itsura niya, hindi ko alam papano sasabihin sakanya, mas magandang sila na lang ni lolo ang mag usap.

"Yeah." Maikling sagot ko.

"What did he say?" Napabuntong hininga pa ako bago siya tingnan.

"He's still not okay with your decision. He wants to talk to you and Jeremy about your son." Nakita ko kung paano nag bago ang eskpresyon ng mukha niya.

"Wala na siguro talaga kaming kawala no?" Tanong niya at nanlulumo ang boses.

"Yeah, for now, it's best to talk to lolo about your plans. But I doubt na papayag siya, hindi sa tinatakot kita but that was based on what we talked about. I just want you to be ready." Tumango tango siya na para bang naiintindihan niya pero bakas sa itsura niya na wala siyang maintindihan.

"I will have to talk to my Associates pa pala." Sabi ko, para maiba ang usapan.

"Speaking of Associate, why not get your own associate yung sayo lang para hindi na ako nahihirapan sa cases mo." May pag susungit sa tono niya at napangiti ako. Matagal na kasi siyang nag rereklamo.

"Yeah, yeah. Take care of that for me, please?"

"Oo na, sino pa ba?" Tumawa at tumayo. "May meeting ka pa, go na." Nag lakad na siya papunta sa desk niya.

Makalipas ang ilang minuto ay pinatawag ko na ang mga associates, Junior and Senior Associates.

"Hi everyone!" Bati ko, ang liliwanag ng mukha nila. Nasa loob kami ng isang conference room.

"Hi, Sir."

"Good morning Sir."

Mga bati nila at nginitian ko sila.

"I will make this short and simple. Okay, so I have 9 probono cases here. Since we have 5 Senior Associates, each of you will have your own case. As for the Junior Associates, you can partner up so dalawa kayo sa isang case. Since there's 8 Junior Associates, there would be a total of four cases for the JA and five for SA. Does that make sense?" Tanong ko at lahat naman sila ay tumango at ang ilan ay sumagot na naiintindihan nila.

"Any questions so far?"Tanong kong muli.

"Wyatt, kailan isusubmit?" Si Maxine. Pinag tinginan naman siya ng mga kasama niya.

"Thanks for asking Max, well, I need an update after a week." Ngiting sabi ko.

"And what if we already gathered information before that?" Siya muli ang nag tanong.

"Then, that would be better. The sooner you update me, the sooner you can start the case."

"Okies, thanks!"

"Uyy, close ba kayo ni Sir Wyatt? Bakit Wyatt lang tawag mo sakanya?" Rinig na rinig kong tanong ng katabi niya.

"Ha? Eh, ahh wala. Feeling close lang."

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon