FIFTY FOUR

1K 23 3
                                    




Please follow my FB page: https://www.facebook.com/splitminded9

BRIELLA

KINAUSAP ko si Dad about sa Symposium kung pwedeng si Maxine na lang ang pumunta or kahit sinong available, di naman ako pwede basta basta umabsent. Dad knows about my situation sa Prime. He keeps on saying na 'hang in there' sabi ko wag na niyang sabihin kay lolo kasi makakadagdag lang yun sa iisipin ni lolo. Pumayag naman din siya na iba nalang ang aattend sa Symposium. 

Kakauwi ko lang galing sa dinner namin ni Maxine, napa sarap ang kwentuhan namin kaya naman natagalan ako, na guguilty din ako sa mga body guards na kailangan mag stay din ng late. 

Nakahiga na ako, nakakapagod pero masaya naman ako na nakapag usap kami ni Maxine. Ang dami naming realizations kanina. 

Nawala ang isipin ko ng may narinig akong tumunog sa walk in closet ko. Nakapatay na ang ilaw ng kwarto ko, hindi ko alam kung tatayo ba ako para tingnan, dahil nga sa pagod ay nanatili akong nakahiga. Pero kakaiba ang pakiramdam ko. 

Tumayo ako at binuksan ang ilaw. Wala namang tao, di ko alam kung papano nakagawa ng ingay. Nang igala ko ang paningin ko ay nakita ko ang bintanang basag. 

'Shit. May naka pasok ba?' 

Agad akong nag mamadaling lumabas, pero biglang may humila ng kamay ko at tinakpan ang bibig ko. Sinusubukan kong manlaban. 

"Nasaan ang Chairman niyo?" Tanong niya. Malakinang boses niya at napakalakas niya. Nakatalikod ako sakanya habang hawak niya ako may bandang balikat at takip takip ang bibig. Sinusubukan kong sumigaw pero natigil iyon ng may naramdaman akong matalim na bagay sa leeg ko. 

"Wag kang maingay. Sabihin mo sa kin nasaan ang chairman niyo?" Tumulo ang mga luha ko sa takot. Takot na maari na akong mabawian ng buhay ngayon kung di ko sasabihin at takot na baka mapaano si Chairman kung sasabihin ko. 

"Wala akong pasensya, kung gusto monpang mabuhay sabihin mo kung nasaan ang lolo mo." Patuloy pa din ang pag iyak ko. Tinanggal niya ang takip sa bibig ko pero naroon parin ang patalim sa leeg ko. "Subukan mong mag ingay, huling sigaw mo na yun." 

"Sino kayo? Bakit niyo ginagawa to?" Sinusubukan kong ikalma ang sarili ko. Napamumugaran ako ng takot. Buong katawan ko ay nanginginig, kung hindi niya ako hawak ngayon ay malamang natumba na ako sa sahig. 

"Simple lang ang tanong ko, nasaan ang Chairman niyo." Bulong niya sa likod ng tengga ko. Mas kinilabutan ako sa ginawa niya, dumoble ang takot na nararamdaman ko. 

"Nasa.." huminga ako ng malalim. "Nasa mansion niya." Sagot ko habang mangiyak ngiyak pa. 

"Ilang gwardya ang naroon?" Akala ko ay aalis na siya pag tapos kong sagutin ngunit nang may itanong siyang muli ay bumalik ang kaba ko. 

"D-Di ko al-lam." Parang sasabog ang puso ko sa kabang nararamdaman. Panay ang lunok ko, dahil wala naman akong ibang magawa. 

Nang bitawan niya ako ay agad kong hinablot ang kamay niya, dahil gusto kong makita ang mukha niya. Ngunit maling kamay ang nahablot ko, sa kaliwa ko siya nahablot sa kanan ay naroon ang kurilyong tinutok niya sa akin kaya nagkaroon siya ng pagkakataong sugatan ang braso ko. 

"Ahhh, shit!" Mangiyak ngiyak kong sigaw dahil sa mahabang sugat na natamo ko. 

Agad siyang tumalon sa bintana. Hindi ko man nakita ang mukha dahil sa tabon ay nakita ko naman ang tattoo sa leeg at sa braso niya. 

"Maam?" Sigaw ng isang gwardya, napa lakas yata ang sigaw ko kanina.

Nag lakad ako papalabas ng closet habang hawak hawak ko ang kaliwang braso ko na may sugat.

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon