Please follow my FB page: https://www.facebook.com/splitminded9
BRIELLA
Papunta ako sa mansion ni lolo chairman ngayon. Pag uusapan namin yung about sa Davao branch ng LMH at sa proclamation in two weeks.
Sinasadya ko talagang di muna umattend ng mga meetings lalo na pag nandon si Samuel, naiirita pa din ako sa sinabi niya nung nakaraang meeting. Iba kasi ang dating sa akin lalo na ngayong may nangyayari talaga sa pamilya namin, kaya hindi magandang biro yun.
Nasa may labas na ang sasakyan ko sa bahay ni Lolo ng makita kong lumabas si Wyatt, dumiretso siya sa sasakyan niya. Hindi niya yata napansin ang papalapit kong sasakyan at pinaandar na niya ang sasakyan niya.
Pumasok na ako at naabutan ko si lolo sa living room.
"Oh, maaga ka yata Zen? Diba lunch time ka pa pupunta?" Bumeso ako kay lolo.
"Napaaga matapos meeting. Looking good lolo ah, bat parang bumabata ka yata?"
Hindi naman talaga mukhang matanda si lolo, he's around 60-61 kasi maaga silang nag aasawa, maging si Dad ay maaga din nag pakasal noon kay mommy kaya bata pa si lolo.
"Hiyang na nga kasi ako dito sa bahay at paminsan minsan nag gogolf lang kami ng mga investors ng Prime." Nakangiting sabi niya, sumenyas naman siya na maupo ako at yun ang ginawa ko.
"Ay nga pala, I saw Wyatt outside. Si Wyatt nga ba yun?" Paniniguradong tanong ko.
"Yeah, siya na yung bagong attorney ko. Si Nina kasi yun diba? Eh after everything that has been happening mahirap na mag tiwala ulit sa di kakilala. You and your dad are not allowed naman diba."
Tumango ako. Hindi talaga kami pwede ni Dad kasi conflict of interest. Buti na lang at si Wyatt ang kinuha niya.
"So, kamusta ka naman sa Prime? I hope you're adjusting well." Huminga ako ng malalim pero wala akong planong sabihin kay lolo ang mga nangyayari sa Prime since hindi naman business related.
"Yeah, okay naman lo. Helpful talaga si Julia and the others." Ngumiti ako.
"Good to hear, let me know if there's anyone or anything bothering you. Also, yung about sa nareceive mong gift, nakahanap na sila ng lead, have you heard?" Tanong niya.
"Hmm, yeah. Glad to know that we were able to find a lead na."
Ito yung first big lead namin simula nung nabaril si lolo, nahanap na daw nila ang taong nag pa pick up ng package sa Paranaque kaya naman agad pinuntahan ng mga pulis, nakatakas ito pero hinahabol nila dahil may sketch na sila ng mukha ng lalaki.
"Sana talaga ay mahuli nila. Pasensya ka na apo, kung pati ikaw nadadamay dito." Napatungo si lolo, kumirot ang puso ko ng makita kong nalulungkot si lolo.
"Lo, I said it before and I will say it again please don't blame yourself. Wala ka pong kasalanan and pag dadaanan natin to as a family, no need to say sorry."
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. Tumingin siya at ngumiti din.
"Hay nako Lo! Wag ka ng ma lungkot please? Let's talk about LMH Davao na lang."
"Yeah, about that. We will announce it sa proclamation party mo in two weeks so be ready with the details. I already have someone create a presentation."
"Wow! Does Kevin know about this already?"
"Yes, I asked him if he wants to lead LMH Davao and he said yes."
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...