WARNING: SPG - MAY CONTAIN MORE SERIOUS TOPIC AND THEME
BRIELLA
Alam kong masyado pang maaga para mastress sa kung anong dadalhin ko sa China, pero sa katapusan na yun! Di ako mapakali sa kaba at excitement for the first time makikilala ko yung parents ni Wyatt, matagal ko ng gustong mameet sila.
Private plane na lang daw ang sasakyan namin sabi ni Wyatt at siya na daw ang bahalang umasikaso nun. Hanggang ngayon misteryo padin sakin ang yaman nila, hindi ko alam na may mga ganon silang pag mamay ari dahil na din siguro sa sobrang lowkey nila. Sadyang humble lang talaga siguro ang pamilya nila.
Sasamahan ko si Camilla ngayon sa House of Tenille para sa debut niya. Dumaan muna ako sa bahay at naabutan ko si Dad at tita Barbara nag bbreakfast.
"Where's Camilla?" Tanong ko.
"Pumasok na." Sagot naman ni Tita Barbs sakin. Lumapit ako sa dining at umupo para saluhan sila. Ilang araw na din kasing nakay Wyatt ako umuuwi.
"I already contacted the House of Tenille for Camilla's debut." Sabi ko.
Tumango lang si Dad na para bamg wala siyang reaksyon.
"Also, I'm going to China this katapusan. We'll celebrate new year there."
"Really? Sino kasama ko?" Tanong ni Tita.
"Wyatt, Maxine, and Mike."
"Okay." Matipid na sabi ni Dad.
"Anyway, dumaan lang po ako to get some clothes. Susunduin ko si Camilla later." Sabi ko naman at umakyat na sa kwarto ko.
Obviously, nag tatampo padin si Camilla kay Dad. She didn't know na we're just trying to find the culprit kaya namin ginagawa to. It may sound unfair to her, pero para sakanya din ang ginagawa namin.
Mabilis din akong pumasok sa Prime. Kahit papano ay gumaan gaan na ang loob ko sa mga nangyayari. Lately, palagi akong kinakabahan ayoko ng ganito at gusto ko ng matapos lahat ng to.
KEVIN
Tito William called me about what happened at Wyatt's Condo. Ang alam ko mahigpit ang security ng lugar na yun kaya hindi yun basta basta napapasukan ng kung sino sino lang, kaya sigurado akong hindi basta basta ang kinakalaban namin. Ang problema lang ay hindi namn alam kung sino sila pero alam na alam nila ang mga kilos at galaw namin.
May part sakin na natatakot para sa security namin ni Trisha, kung ako lang naman wala akong pake kung anong gawin nila pero dahil dito na nag sstay si Trish ay natatakot ako para sakanya. I tried to talk to her pero mas gusto niyang mag stay dito kesa umuwi sakanila, kaya I asked Tito Winston kung pwede isabay ko nalang ang schedule ko kay Trisha para mabantayan ko siya.
"Is everything alright with LMH?" Tanong ni Trisha sakin, papauwi kami galing sa hospital.
"Why do you ask?"
"I noticed kasi na frequent na yung bored meetings, si Doc Tony lang din nag kwento samin kanina." Si Doc Tony ang isa sa mga head Surgeon ng Neurology.
"I see. From what I heard LMH is not doing well. Pinag aagawan ang stocks ngayon. Hindi ko din masyado magets yung mag legal terms nila but next year the government will own LMH and other companies under Lopez Group." Malungkot na pag kakasabi ko, unang beses ko ding nakapag open kay Trisha tungkol dito.
She sighed. Sobrang lalim. "Are you okay?" Tanong ko sakanya at inakbayan siya. I tried to smile to make her feel comfortable.
"It's just sad, how hard things are for you and your family."
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...