Nakapasok na kami sa napakalaking bahay, palasyo yata to sa sobrang laki.
"Bro, kaharian yata to." Natatawang sabi ni Mike. May mga guards na naksunod samin papasok at may mga maids sa harap na nag lelead ng way.
Kinausap si Wyatt ng butler in Chinese, di din namin marinig dahil pabulong iyon.
"Nandiyan na daw si lolo." Sabi ni Wyatt samin. Tumango lang ako at mas lalong kinabahan. Ilang beses na sinabi ni Wyatt na strict ang lolo niya kaya iba yung kabang nararamdaman ko. Matatanggap kaya nila ako?
Nang makarating kami sa parang sala or lobby nila na napakalaki ay naroon yung babaeng yumakap kanina kay Wyatt na tinaboy niya. Ang ganda ng ngisi I rolled my eyes, sarap bigwasan. She's a typical Chinese but from the looks of it may Western side siya based sa pananamit niya.
Umupo kami sa isang sofa katabi ni Wyatt. Hinawakan niya ang kamay ko at sumimangot ang babae na nakaupo sa harapan namin.
"Bàoqiàn ràng nǐ jiǔ děngle!" Isang malalim na boses na nanggaling sa itaas. Agad kaming napatingin lahat at natanaw namin ang isang matandang lalaki. Tumayo si Wyatt ang babae sa harapan namin kaya napatayo na din kami nila Mike.
"Wyatt! Hello there." Bati niya sa amin. May accent siya ng halong American at Chinese.
"Hello po." Nag bow ako.
"You must be Zen." Nakangiting sabi niya.
"Yes po." Umakbay si Wyatt sakin.
"Nice to finally meet you!" Niyakap niya ako at nagulat ako. Nawala ang pag ka akbay ni Wyatt. Hindi siya yung strict na lolo na nasa isip ko. Ibang iba sa ini imagine ko.
"This is Mike and Maxine. My co-workers." Sabi ni Wyatt at tumingin naman sa dalawa. Nag bow din sila.
"Ashley! What are you doing here?" Tanong ng lolo niya at sumenyas siya na maupo kami at umupo siya sa single chair sa left side.
"I heard that Wyatt is coming so I'm here to welcome him back." Sagot ng babae sa harapan na nag cross legs pa. "Also, tita Gina asked me."
Hindi siya sinagot ng lolo ni Wyatt.
"I'm very happy that you're here, Wyatt. And also for bringing your girlfriend and your friends."
"We're just here for New Year, we will leave right after." Malamig na sagot ni Wyatt. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganoon sumagot eh maayos namang nakipag usap ang lolo niya.
"I'm still glad. Anyway, why don't you rest for a while. I will have our dinner ready." Tumayo si Wyatt. Nauna ulit ang mga maids para ihatid kami sa mga kwarto namin.
2 kwarto ang pinahanda ni Wyatt. Ang kala siguro nila ay Si Mike at Wyatt ang magkasama sa room kaya doon iniwan sa labas ang mga luggage nila pero di na nag salita si Wyatt ng binitbit niya ang luggage ko at pinalit kay Mike. Medyo nagulat pa ang mga maids pero di na din nag tanong.
Isang napakagandang kwarto ang bumungad sakin, di lang maganda sobrang laki pa. Nasanay naman ako na malakinang kwarto ko pero iba to. Ibang level ng kalakihan.
"Wow." Yan na lang ang nasabi ko.
"This is my room." Sabi niya at pinasok ang mga luggage namin.
Nilibot ko ang kabuuan ng kwarto niya at ng matapos saka lang ako humiga sa tabi niya. 4pm pa lang.
"Mom and Dad will arrive at 6. We can meet them at dinner, mag pahinga ka muna." Sabi niya. Nakahiga ako sa dibdib niya.
"I'm resting." I replied. "Why are you cold with your lolo? He seems nice? And sweet?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...