Please follow my FB page: https://www.facebook.com/splitminded9
KEVIN
WEEKLY Lunch namin dito sa Mansion ni Chairman.
"Anong oras daw uuwi si Zen?" Tanong ni Chairman kay Tito William.
"Alas kwatro yata ang flight niya, at mga alas singko na ang dating dito." Sagot nito.
"May mga kasama naman siyang guards at kasama niya si Wyatt." Dagdag ni Tito.
Nagulat ako ng marinig ko ang pangalan ni Wyatt na para bang malaking bagay sa security ni Briella na nandoon si Wyatt.
Tumango lang ang chairman at parang gumaan ang kalooban.
"Kevin, kamusta?" Tanong ng Chairman. Linggo linggo ay dapat mag bigay kami ng update sa Chairman sa mga buhay namin.
"Okay naman po, Chairman. Wala naman pong bago, ganon padin po busy." Sagot ko. Tumango siya.
"Kamusta kayo ni Trisha?" Kinabigla ko ito dahil di naman siya nag bigay ng atensyon dati sa ganitong usapin maliban kay Briella at Camilla.
"Okay naman po, di pa kami nag kikita ulit. Masyadong mag kasalungat ang schedule namin." Sagot ko.
"Gusto mo bang baguhin?" Tanong ni Tito Winston.
"Ay hindi na po, okay lang. Kailangan ko din masanay." Nakangiting sagot ko.
Mababait ang mga Lopez sa akin kahit hindi naman talaga nila ako kadugo.
"Wala naman bang nabanggit si Trisha sayo tungkol sa nangyayari?" Tanong muli ng Chairman at agad na napunta ang paningin sa akin nag aantay ng sagot.
"Wala po Chairman. May alam po ba sila?" Nag tatakang tanong ko.
"Meron. Hijo, you can call me lolo. Masyadong pormal ang chairman." Nakangiting sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ahh, ehh, hehe, nasanay na po kasi ako." Sagot ko naman. Buong buhay ko parang yun na yung tawag ko sakanya.
"Sanayin mo na ngayon na tawagin akong Lolo." Muli siyang ngumiti. Napangiti din lahat ng nasa mesa. Bigla akong nakaramdam ng hiya.
"Opo Lolo." Sabi ko.
"Camilla, how's school?" Nabaling na kay Camilla ang paningin ng lahat. At sumagot na siya.
Noong umpisa kaming nagkaroon ng Lunch meeting ay 6 years old ako. Simula noon ay sinanay nila akong mag sabi ng mga nararamdaman ko tuwing nag uusap usap kami. Para bang nag bibigay kami ng report sa buong linngo.
Noong hischool ay inis na inis ako dahil pakiramdam ko nasasayang ang oras da ganito. Hanggang sa eto nasanay na ako.
"Ayaw tumulong ng mga Dela Rosa." Sabi ni Chairman, ng pag usapan na ang mga krimeng nangyari.
"Bakit daw ho?" Tanong ni Wesley.
"Ayaw nilang madamay." Maikling sagot ni Chairman at halata ang pagka dismaya sa mukha niya.
"Mag idea kaya sila kung sino?." Sagot ni Tito William.
"Di ko alam. Pero natatakot lang sila sa pwedeng mangyari pag nakealam sila."
Naiintindihan ko naman ang mga Dela Rosa.
"Sana hindi yun maka apekto sa relasyon niyo ni Trisha, Kevin."
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...