THIRTY NINE

1.8K 32 8
                                    

Maxine's POV

Nag aalala ko sa kalagayan ni Briella lalo na pag gumising siya, malamang ay madami siyang itatanong tungkol kay Richard at sa nangyari.

Kasalukuyan akong tinatanong ng mga pulis sa ngyari.

"Miss, sigurado ka bang di niyo na mukhaan ang mga lalaking naka itim?" Tanong ng pulis. Nasa holding area kami ni Harold at Jen. Si Chloe ay nasa Emergency dahil nagalusan ito.

"Hindi ho, may tabon kasi yung mga mukha nila, kulay itim din ang tabon na yon, basta nalang ho silng sumulpot di namin alam papano nila nalaman na nadoon kami sa loob." Sagot ko, hanggang ngayon ay kinikilabutan padin ako sa mga nangyari.

"May kakilala ba kayo na posibleng mag utos sa mga naka itim na lalaki?"

"Wala ho."

"Sige, maraming salamat Maam." At nag patuloy siya sa pag hingi ng statement sa ibang associates.

"Totoo kaya yung sinabi ni Sir Richard?" Napalingon ako kay Jen at nag kibit balikat.

"Nagulat din ako sa narinig ko kanina, tapos yung kay Kelly pa." Si Harold.

"Pero mahal na mahal niya si Ms. Briella, paano niya nagawa yun?" Si Jen. Parang sila na lang ang nag uusap dahil ayokong sumali dahil hindi ko din alam ang sasabihin.

"Hey, kamusta kayo?" Napalingon ako kay Sir Mike.

"Natatakot padin kami hanggang ngayon sir." Si Jen ang sumagot, at malamang yun din ang nararamdaman ng ibang kasamahan namin dito.

"Have you talked to the police?" Tanong niya sa akin, at tumango ako.

"Umamin sila na tauhan sila ni Anthony, they will talk to his lawyer daw dahil madagdag daw yun sa kaso nila. Kamusta si Brie?"

"She's still unconscious, pero stable na daw. You should visit her, baka magising na yun maya maya. Where's Caleb by the way?"

Natigilan ako, kanina ko pa siya hinahanap. 

Huminga ako ng malalim. "To be honest, I don't know. Tried to call him pero di siya sumasagot. I'll go see Brie."

"Aantayin kita dito, ihahatid ko na kayo." Ngiting sabi niya at nag lakad na ako papunta sa room ni Brie.

Hindi ko mahanap si Caleb ngayon, sana ay okay lang siya. Pinahanap ko na din siya sa mga pulis dahil baka may mga naiwan na employees sa office.

Kumatok muna ako bago ko buksan ang pinto.

"Tito, Tita, kamusta po?" Nasa may couch sila, at si Camilla naman ang nasa bed ni Briella.

"She's still unconscious." Sagot ni tito.

"Ikaw hija, nasaktan ka ba? Nag patingin ka na ba?" Si tito at umupo ako sa single couch.

"Okay lang po ako, wala naman pong galos or kahit ano." Sagot ko.

"Hay, why is this happening? Nakakatakot." Si tita.

"Anthony really wants to get revenge for sending him in Jail at ang dami pa niyang dinamay." Sagot ni Tito.

"Tito, tinatanong ako ng mga pulis kanina about sa mga lalaking naka itim na tumulong sa amin kanina." Nag tinginan si tita at tito, malaman at parang may ibig sabihin, ngunit wala akong maintindihan.

"Anong sinabi mo?" Si tito.

"Wala po akong nakita eh, pati mga mukha nila ay may tabon. Matapos nila mag hagis ng smoke grenade wala na po kaming nakita." Parang may kung anong guminhawa ang ekspresyon nila.

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon