SIXTY THREE

693 15 1
                                    

SIXTY THREE

KEVIN

"That's a human heart and eyes." Nakatanggap ng kakaibang regalo si Camilla sa school niya kanina.

"Kung dinonate na lang nila yan sa nangangailangan. Tsk!" Dagdag ko pa.

"Last time they sent me a human ear." Si Zen. naman ang nagsalita.

"I wonder what would they send to me?" Pabirong sabi ko at sinamaan ako ng tingin ni mommy.

"Kev." Si Zen. Ngumisi lang ako.

"Pero kidding aside, maybe they are trying to send us a message?" Sabi ko.

Nakaupo kaming lahat sa living room, nasa mesa ang box na natanggap ni Camilla. She's still in shock.

"Or maybe tinatakot lang tayo?" Sabi ni Tito William. Pwedeng ganon nga ang rason nila. Hassle naman to, may pasok sana ako ngayon pero pina change ni Tito William ang sched ko para bukas, dahil nag wworry sila sa mga paregalo ng natatanggap.

"The police are here." Si Zen, si detective Marion ang humahawak ng kasong to, na hanggang ngayon ay wala pading usad, pero sabi nila Zen at tito ay magaling naman daw ito.

"Good evening Ma'am, Sir." Tumungo naman ako as a sign of respect. "Bagong regalo na naman po ba?" Tanong nito.

"Napaka generous nga nila. Alam ba nila kung gaano kamahal ang parts ng human body." Sagot ko.

"Mukhang napakadali sakanila ang pumatay ng tao. Kung ganon ay sanay na sila sa ganitong pamamaraan." Napalunok ako. Delikado ang mga buhay namin kung ganon.

"Kailangan lang namin ng certificate galing sa hospital patunay na mga parts to ng tao, susubukan din namin icheck kung may naiwan bang finger prints dito." Tumango naman ako.

"Please do everything para mahuli na ang mga salarin." Si Tito William.

Kahit sino sa amin ay kinakabahan sa mga susunod na mga pwede pa nilang gawin.

Maaga ang pasok ko ngayong sabado. Dahil hindi ako nakapasok kagabi dahil sa mga nangyari.

Nasa hospital na ako, isa ako sa intern for Doc Jose.

"Erika has developed pulmonary edema as her heart is not functioning well. ECMO isn't enough anymore."

ECMO: Extracorporeal membrane oxygenation, also known as extracorporeal life support, is an extracorporeal technique of providing prolonged cardiac and respiratory support to persons whose heart and lungs are unable to provide an adequate amount of gas exchange or perfusion to sustain life.

"Mas better po kung bibigyan natin ng artificial heart si Erika para mareduce ang pressure sa left ventricle niya." Dagdag ni Doctor Jose.

Umiiyak ang mama ni Erika. Naaawa ako sakanya, pero di namin pwede ipakita yun dahil sa amin lang din sila kumukuha ng lakas.

"Malaki po ang gagastusin doon. Sige po gagawan namin ng paraan." Huminga ako ng malalim. Kung meron lang sana akong matutulong sakanila.

Si Doctor Jose ang head ng Cardio department, kaya din gustong gusto kong nag aassist sakanya kasi madami akong natututunan.

CAMILLA

Nandito si Timothy and Unnie Trisha sa bahay, dumalaw lang daw talaga sila kasi they heard what happened at nag aalala sila. Nasa kwarto ni Atchi sila ni Unnie Trisha nasa sala naman kami ni Timothy, nanonood.

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon