BRIELLA
Paulit ulit ko ng binabasa ang mga papel na hawak ko pero wala akong maintindihan, naaalala ko ng paulit ulit ang pag uusap namin ni Richard kahapon. Nanghihinayang ako sa kung anong meron sa amin, pero ito na yung dapat gawin.
Nasa conference Room E kami, kasama ang head ng mga departments.
"We are proposing that we buy this property, mag tatayo daw ang Valle Verde ng Mall dito sa area na to and we can take advantage of that by building up a Condo." Si Jay, isa sa mga nag susubmit ng business proposal.
"What do you think Briella?" Tanong ni Samuel sa akin, nag tinginan silang lahat sa akin dahil ako ang naka upo sa gitna. May nasa 11 katao ang naririto.
Napalunok ako, at hindi agad nakasagot. "I think that's a good idea." Sagot ko.
"No, you have to give some insight." Pagalit na sinabi ni Samuel na para bang na disappoint siya sa sinabi ko.
"I think we should check first kung mag tatayo ba talaga ng mall ang Valle Verde and what kind of mall so we can cross examine if our condos would be suited sa mall nila." Lahat ng paningin ay napunta kay Liam. Tumingin si Samuel ng masama sa akin bago tumingin uli kay Jay na nasa harapan.
"Yes, we are looking into that right now but once they release that to the media, mas tataas ang value ng area at hindi lang tayo ang real estate na nag checheck niyan ngayon." Si Jay ulit.
Sumasakit na ang ulo ko. Wala pa akong maayos na tulog dahil sa nangyari kahapon kaya wala akong naiintindihan sa mga sinasabi nila.
"It's your decision now Briella." Si Samuel ulit. Nakaramdam na ako ng inis, dahil pakiramdam ko pinag iinitan niya ako.
"Why don't we give Briella some time to think. It's not easy for her to decide now." Si Andrea at ngumiti ito sa akin. "Jay, please send your propsal to Julia. Now that Briella heard our insights she can think it through first before making a decision." Dagdag niya.
Nanliliit ako dahil hindi pa ako nakakapag salita ng maayos sa meeting na to, wala man lng akong maiambag kahit isa.
"Yes, Maam Andrea."
"Alright. That's it for today." Si Liam.
Tumayo na ang mga assistants and consultants. Kaya naman tatayo na din sana ako ng biglang nag salita si Samuel.
"Pinag aaralan mo ba yung mga sinend namin sayo? Bat parang hanggang ngayon wala ka pading alam?" Sabi niya, natigilan ako. Napaupo akong muli.
"Sam! Ano ba?!." Si Andrea.
"Anong aasahan natin sa company kung ganyan yung magiging CEO natin?" Dagdag ni Samuel. Nanliit ako bigla, pakiramdam ko ako ang pinaka walang kwentang tao sa mundo ng mga panahon na yon.
"Samuel, enough. She's trying her best and besides she's a lawyer and she's new for this kind of job." Si Liam naman ang sumagot.
Nasa kanan ko si Samuel, si Andrea at Liam naman ay magkatabi sa kaliwa, si Julia ay nasa likuran ko.
"I understand that you have some doubts with me, I'm trying my best to understand how this company works, siguro I feel overwhelmed with everything lang." Mahinahon kong sagot.
"Ang sabihin mo, you're not fit for this job! Bat di ka na lang kasi bumalik sa Firm niyo? Kung di lang kayo ang may ari, di ka naman magiging CEO. Wala ka namang alam. Kakapasok mo pa lang bumaba agad ang stocks." He said. Napalunok ako at sobrang napipikon na sinasabi niya.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...