TWENTY

2.1K 26 0
                                    

Briella's POV

"We will be having a Team building."

"Finally!"

"Yes."

Nandito kami sa conference room. Nag pa meeting si Dad. This time di lang partners ang kasama sa team building  pati associates invited. Sagot naman to ng company, usually talaga may pa team building si Dad para may magandang work relationship sa mga employees niya.

"Richard, since you are the head of the associates you need to inform them and make sure sasama lahat." My dad said.

"yes sir, I will."

"Okay guys. This weekend na, so mag prepare na kayo. Finish whatever you need to finish para wala na kayong iintindihin this weekend."

"Yes sir."

"Ay sir, pwedeng mag sama ng girlfriend?" Tanong ni Luis

"Yeah, no problem with that as long as you can still have time to bond with your workmates."

"Noted sir."

"Bakit bro may girlfriend ka ba?" Biro ni Mike.

"Wala, nag tatanong lang para sa may mga girlfriend diyan." Sabay sabay naman silang tumawa.

"Sige na. I'll take care of everything. Dismiss."

"Thank you sir."

"Alam niyo na yung mga may jowa diyan." parinig ni JD

Unti unti ng nag silabasan ang mga tao.

"Nakoo, makikita na natin ang abs ni papa wyatt." bulong ni mariel kay kyla.

"May abs nga ba? Pero feeling ko bantay sarado yan siya ng secretary niya."

"Ikaw ang nega mo naman. Di naman siguro sila."

Seriously? Kahit saan ako mag punta si Wyatt ang usapan. Paano ba naman kasi iba din ang datingan. Pero sa umpisa lang yan. Bago pa kasi siya kaya naninibago lang yang mga yan.

Naalala ko tuloy noong college, ganyan na ganyan din yung mga babae at beki sa paligid niya. Madalas naka buntot sakanya.

"B, I'm afraid I can't join you later at lunch" sabi ni Richard habang nag lalakad kami papuntang office ko. I looked at him.

"I have a lunch meeting with Mr. Saragoza and it's urgent." Tuloy nito.

"Oh sure. No worries, I'll be fine. sabay ako kila Maxine later."

"Okay, love you."

He kissed me in the forehead. Napangiti nalang ako bigla.

Haaay, hanggang ngayon ay kinakain ako ng konsensya ko. Gustong gusto kong aminin sakanya yung ginawa ko dahil sobrang bigat. Pero natatakot ako, natatakot akong iwan niya ako. Dahil unreasonable naman talaga yung ginawa ko.

Pag lingon ko sa may kaliwa nandun si Wyatt nakatingin agad din naman siyang umalis.

Pumasok na ko ng opisina ko, I need to finish all the work para makapag enjoy this weekend.

Sinusubkan ko din talagang iwasan si Wyatt, dahil kahit pag bali baliktarin ko man ang mundo, eh wala ng kami at meron akong kasalukuyang relasyon. Tama lang na gawin ko to.

WYATT'S POV

"By, nakakainis. Nakita ko silang nag hahalikan kanina." Para akong batang nag susumbong kay Abby pag pasok ko ng opisina.

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon