FORTY ONE

1.5K 34 6
                                    

Please follow my FB page: https://www.facebook.com/splitminded9

KELLY

8 PM na pero hindi padin nakakauwi si Richard galing sa hospital. Umorder nalang ako ng makakain para sa aming dalawa baka sakaling umuwi pa siya.

Nag tatalo ang selos, galit, inggit, at takot sa mga nararamdaman ko. Nag seselos ako na nandun siya kay Briella, kahit alam ko naman ang papel ko sa buhay niya.

Nagagalit ako kasi dapat nandito na siya, kanina pa siya umalis ni hindi man lang niya ako tinawagan ko tinext man lang.

Na iingit ako kasi dapat ako yun, ako yung sinasamahan niya, dapat nag aalalaa siya sa akin.

At natatakot ako, natatakot akong iwanan niya ako. Natatakot akong tapusin niya lahat ng meron kami para mag kaayos sila ni Briella.

'Kung hindi ba ako nabuntis, mararamdaman ko kaya ang mga ito?'

Kailangan kong kumain dahil hindi lang to para sa akin, para na rin sa baby namin. Kailangan kong tatagan at mag paka lakas dahil pakiramdam ko wala namang mag aalaga sakin.

Maka lipas ang ilang oras, ala una na ng madaling araw ay wala padin siya. Hindi ako makatulog kakaisip kung bakit wala pa siya. Nag kaayos na ba sila ni Briella kaya pinapabayaan na niya ako?

Kahit isang text man lang di niya magawa naka ilang text na ako sakanya pero wala ni isang reply man lang. Natatakot din akong tumawag, dahil baka si Briella ang maka sagot. Iba ang kabang nararamdaman ko.

Kasalukuyan akong nasa kwarto niya, nang may biglang tumunog sa pinto at bumukas iyon. Agad akong nag mamadaling lumabas.

"Richard..." halatang naka inom siya.

"Matutulog na ko wag ka magulo." Sabi niya at humiga sa couch.

"Kumain ka na ba?"

"Pwede ba? Wag mo sabi akong guluhin. Matulog ka na!!" Sigaw niya at pumikit.

Ang dami dami kong gustong itanong, kung okay ba tayo? Kung anong mangyayari sa atin? Pero mas nangingibababaw ang sakit na nararamdaman ko.

Dati naman siyang ganyan sa akin, pero iba ngayon. Mas doble at mas masakit ang dulot nito sa akin. Siguro marahil umaasa ako na mag kakaroon kami ng maayos na relasyon.

Pumasok ako sa loob ng kwarto niya at di mapigilan ang pag tulo ng mga luha. Nasasaktan akong marinig ang lahat ng yon kay Richard.

Nakatulugan ko na pala ang pag luha kagabi, alam kong hindi dapat ako nag papa apekto para sa bata pero hindi ko mapigilan.

Nag desisyon akong lumabas, mag kikita kami ni Fatima, best friend ko simula college at isang nurse sa Mayo Clinic, sa Manila. Magkikita kami sa coffee shop tabi ng Clinic nila.

"Aalis muna ako." Paalam ko kay Richard na kasalukuyan pading nakahiga, alas diyes na ng umaga.

Di siya sumagot kaya lumabas na ako. Nang makarating ako sa Green Bean Cafe ay naroon na si Fatima.

Nag batian muna kami, madalas kaming magkita lalo na netong nakaraan dahil kinikwento ko sakanya ang sitwasyon ko.

"Girl, diba sabi ko naman sayo itigil mo na yan. Tingnan mo ngayon, naiipit ka sa sitwasyon."

"Alam mo namang mahal ko yung tao." Pag dadahilan ko, dahil ilang beses na nga niya akong pinag sabihan.

"Eh mahal ka ba? Diba sabi ko may girlfriend siya?"

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon