KEVIN
Patuloy ang imbestigasyon ko sa mga Wongs. Kahit na may pasok ako ay sinusubukan ko pading makipag kita sa Private Investigator para sa mga detalyeng binibigay nila.
"Where are you going?" Pamilyar na tinig galing sa likuran na agad kong nilingon.
Kakatapos lang ng operasyon kung saan ako nag assist. Sabi ni Wesley ay napadaan daw si Briella, pero 3:30 ay umalis na din dahil may lakad pa daw.
"May kikitain lang." sagot ko naman kay Trisha. Ngumiti siya na parang kinakabahan. Yan ang palaging reaksyon niya recently.
"See you." Sabi ko at umalis na ng hospital. Makikipag kita ako sa isang private investigator.
"Boss, nakatunog yata sila na pinapa imbestigahan niyo sila. Sobrang tahimik nila para bang walang transakyong nagaganap kaya umuwi na lang kami boss."
Malaki ang bayad ko sa private investigators na to dahil kailangan pa nilang pumunta ng Europe. Wala namang problema saking gumastos basta para kay lolo at para makamit namin ang hustisya.
"I understand. Do they have any business here in the Philippines?" Tanong ko.
"Wala ho sir, malinis talaga sila dito sa pilipinas. Pumupunta lang sila para makipag kita sa lolo niyo ho at minsan pag may charity or gala."
"Can you please identify kung anong Charity or Gala yung pinuntahan nila before?"
"Yes sir, nag umpisa na kaming mag check simula ng umalis sila dito sa Pilipinas." Tumango tango naman ako.
Matapos ng meeting ay umuwi na ako dahil inabutan na ako ng gabi. Palaging sa malayo ang meeting ko with private investigators.
"Trish, what are you doing here?" Tanong ko ng makarating ako sa condo malapit sa hospital. Tiningnan niya lang ako na para bang binabasa niya ang nasa isip ko.
"Saan ka galing?" Tanong niya, nakatayo lang siya sa may pintuan ko at dahan dahang lumapit.
"May pinuntahan lang. Kumain ka na ba?" Tanong ko at binuksan ko ang pinto at pinapasok siya.
"Hindi pa, inaantay kasi kita." Napatingin ako sakanya.
"I don't have anything here. Di na sana ako kakain." Napangiti pa ako. "I'll order na lang. What do you want?"
"Anything will do." Tumango ako at binuksan ang TV. Habang nasa living room siya at nag bihis ako.
Hindi ko alam kung anong meron at parang ang weird ni Trisha lately. Matapos ay binalikan ko kaagad siya sa Living room.
Maliit lang naman ang condo ko 2 BR ito pero ang isang bedroom ay tinambakan ko ng books and everything that is related to my profession, medyo spacious naman ang living room at Kitchen.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko.
"Do you like Doc Emerald?" Biglaang tanong niya na nag pakaba sakin.
"What?" Hindi ko alam kung saan nang galing ang tanong niya.
"I'm asking if do you like Emerald?"
"She's a great Doctor."
"That doesn't answer my question, Kevin." Tumayo siya at pinigilan ko ang kamay niya. Natigil siya ng may nag door bell. Saved by the bell ika nga.
"Wait here." Tumayo ako para kuhain ang pagkaing inorder.
"Thank you." Sabi ko sa nag deliver at mabilis na hinanda ito.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romansa"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...