SEVENTY THREE

150 5 0
                                    

BRIELLA

Ngayon na lang ulit kami mag kikita ni Maxine na kaming dalawa lang after ilang weeks, dahil na din parehas kaming busy. Mag lalunch lang kami sa Luxury Danks dahil may kinlose akong deal sa isang ongoing project malapit dito.

"Ayun na nga, girl, sobrang antipatiko talaga nung associate ni Wyatt." Pag kkwento niya.

"Baka naman may maipag mamayabang, alam mo na, give him the benefit of the doubt." Sabi ko.

"Sabagay hindi naman kukunin ni Wyatt yun kung walang binatbat." Dagdag pa niya.

"So kamusta naman? Anong balita sainyo ni Mike?" Bigla siyang ngumiti at kinilig yata sa pag banggit ko ng pangalan ni Mike.

"Nag celebrate kami ng monthsary kahapon." Kilig na kilig na sinabi niya.

"Oh, tapos? Anong ganap?" Tanong ko.

"Ayun, may pa flowers saka dinner date. Grabe girl, sobrang sweet ni Mike."

"I'm happy for you, Max. Deserve mo yan maging masaya. Pagtapos ng pangloloko sayo."

"Speaking of... umaaligid aligid na naman si Helga kay Caleb, not sure anong drama nilang dalawa."

"Actually, Caleb reached out. Gusto niya sana makipag usap. Sabi ko tomorrow na medyo busy kasi. Alam mo na closing deals." Bahagyang nagulat si Maxine.

"Ano naman kayang sasabihin non? Naku bes, wag ka masyadong maniniwala ha, alam mo na baka may pakana na naman yan sila ni Helga."

"Oo naman, alam ko naman yun. Papakinggan ko lang din yung side niya."

Kinabukasan

"Thank you so much Brie, akala ko hindi ka dadating." Sabi ni Caleb.

Nasa loob kami ng isang coffee shop, di kalayuan sa Firm, kaktapos ko lang iclose ang isang deal.

"Ofcourse, I want to hear your side din." Sagot ko naman. Medyo antok at pagod na din ako. Gusto kong malaman bat niya pinag palit si Maxine sa babaeng yun.

Huminga siya ng malalim. Matagal kaming hindi nag kita ni Caleb at nag usap, obvious na namayat siya at parang mukhang stress siya, di din yata nakakatulog ng maayos.

"I don't know how to say this..."

Ngumiti ako. "It's okay, you can say it straight to the point, sakin ka pa ba mahihiya." Pabiro kong sinabi yun pero walang bakas ng ngiti sa mukha ni Caleb. Parang masyado siyang seryoso at masyado siyang kinakabahan. Ganito ang itsura niya pag exam or pag may mabigat siyang pinag dadaanan.

Muli, huminga siya ng malalim.

"This is about Helga." Napataas ang kilay ko. Mas lalong na curious. "There are series of events na I overheard Helga talking to someone on the phone."

Is Helga cheating? Pero bakit naman niya sasabihin sakin? Caleb knows that I wouldn't care, I mean I would care about him pero not that much because of what he did.

"First one, narinig ko siyang binanggit ang pangalan mo at pangalan ni Wyatt. Hindi pa kami nag bbreak ni Maxine nito, I tried to ask Max about you and Wyatt pero wala naman siyang sinabi."

Bigla akong kinabahan sa sinasabi niya. Hindi ko alam kung saan patungo to. So Helga likes Wyatt? Bakit siya nag tatanong regarding me and Wyatt?

"Second one, it was the night before nagkaroon ng hostage taking sa Firm. Narinig ko siyang parang may gustong pasabugin. Also, pinilit niya akong wag pumasok that day. That was also the day na nahuli kami ni Maxine."

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon