BRIELLA
I feel sorry for Richard, for not telling him. Ilang beses ko siyang tinanong kung sino ang nasabi at saan niya nalaman yung about sa amin ni Wyatt, pero hindi niya ko sinasagot. Hindi ko din naman siya masyadong kinukulit kasi ayokong magalit siya sa akin.
"Chard, why don't we go out of town this weekend?" Nandito ako sa office niya. I know fresh pa ang mga nangyari since nung nalaman niya about sa amin ni Wyatt, but I'm really trying to make it up to him.
"I can't, busy kasi ako this whole month." Sagot niya na hindi man lang ako tiningnan. Nakatingin siya sa mga folders na inaayos niya, ako naman at nakaupo sa couch.
"I see, I understand. Next month na lang?"Tanong ko uli, umaasang papayag siya.
"We'll see." Malamig na sagot niya. Alam ko namang nag tatampo padin siya sa nangyari, pero sinusubukan ko talagang bumawi.
"Let's have dinner nalang tonight, what do you think?" Di kami nag sabay ng lunch kanina kasi may meeting siya.
"I have an appointment later, Brie. Tomorrow nalang." Tiningnan niya ako at matipid na ngimiti.
"Alright. I'll go back to my office, I have some things to do." Sabi ko at lumabas. Ang totoo ay nalulungkot at nasasaktan ako, dahil gusto ko talagang bumawi sakanya pero pakiramdam ko tinatanggihan niya ako.
Naka alis na din si Wyatt at bumalik na ng HK. Napadaan ako sa office niya dahil pabalik na ako ng opisina ko. Si Abby ay nasa sation niya sa labas ng opisina ni Wyatt halatang madaming ginagawa.
Mabilis na natapos ang buong araw, ganito siguro talaga pag napakaraming ginagawa. Dumaan ako sa office ni Richard pero wala ng tao at nakapatay lahat ng ilaw, napalingon ako sa wrist watch ko at 6:30PM pa lang naman at bakit kaya hindi niya ako dinaanan sa office ko kung aalis na siya.
Muli kong tiningnan ang phone ko, pero wala ni isang text or tawag man lang galing sakanya.
Nag tatampo padin kaya siya kaya niya ako iniiwasan?
Nandito na ako sa mansion dahil pinipilit nila akong dito muna umuwi.
"Hi Maam Briella." Bati ni Manang.
"Hello po, nandiyan na si Dad?"
"Wala pa po Maam." Tumango ako at dumiretso na sa kwarto ko.
Wala naman akong malaking case na paparating pero sobrang busy ng utak ko, pakiramdam ko pagod na pagod ako.
"Atchi! Atchi!" Nagising ako sa katok ni Camilla. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Muli kong tiningnan ang wrist watch ko, 8:13PM na.
"Atchi! Kakain na."
"Pababa na." Sigaw ko. Di na ako nakapag palit dahil nga kakagising ko lang.
Nang makaratinga ako sa Dining Table ay kumpleto sila, maging si Kevin ay narito.
"Sit down na hija." Si Tita Baraba. "Parang pagod na pagod ka. Nakatulog ka yata." Dagdag pa niya. "Nako Hon, baka naman pinapagod niyo masyado to si Briella, alam mo namang di yan pwede mapagod." Kay Dady naman niya sinabi.
"Ewan ko nga ba diyan, palaging may client na kinakausap. Anak, ikaw ang mag mamana ng Firm bakit ka pa ba nag papakahirap?" Patawang tanong ni Dad.
"Dad, Tita, I'm fine. Nag eenjoy din naman ho ako sa ginagawa ko. And besides, makakatulong din to sakin to build up connections." Sagot ko naman habang kumukuha ng rice.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Romance"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...