FIFTY NINE

429 16 1
                                    

BRIELLA

Matapos namin kumain ni Wyatt ay bumalik na kami sa opisina, ganon padin siya tahimik.

Maya maya pa ay tumawag si Dad. 

"Briella, nahuli na daw ang mga lalaking nag deliver, do you want to check them?" 

"Really? Sige sige. Pupunta po ako sa police station." 

Nakita kong napatingin sa akin si Wyatt, na para bang nag tatanong. 

"Bring Julia to confirm that they delivered it for additional witness." Tumango ako sa sinabi Dad kahit di naman niya nakita iyon. 

"Yes will do."

"And bring Wyatt with you." Napakunot ang noo ko at tiningnan si Wyatt, ganon padin ang itsura niya, nag aantay ng sagot. 

"Okay." Matipid kong sagot. 

"Nahuli nila yung nga nag deliver, nasa police station na sila." Sabi ko. Tumango siya at tumayo, muling sinuot ang suit niya, hindi ko pa man siya sinasabihan na sumama ay nag handa na siya. 

"I'll tell Julia first." 

Sumang-ayon naman si Julia kaya dumiretso na kami sa Police Station. 

"Napag utusan lang po talaga kami, wala po kaming kinalaman." Paulit ulit na sinasabi ng lalaki. 

Parehas naming kinomprima ni Julia na sila nga ang nag deliver. 

"Inaamin ko pong kami ang nag deliver nung box, pero wala po talaga kaming alam. Pinick-up po namin yun sa may Parañaque, wala po talaga kaming alam kung ano yung laman." 

Napakunot ang noo ko. Kinakausap siya ng isang pulis. 

"He's innocent." Boses ni Wyatt. Kunot noo ko siyang tiningnan. "I know that you can see it too, we're lawyers Brie, we know when clients are telling us the truth or not. And this one, he's telling the truth." Dagdag pa niya. 

Totoo ang sinabi ni Wyatt, ganyan din ang nararamdaman ko. Hindi siya mahuhuli kung isa siya sa mga nag pakana. Malamang ay ginamit lang sila.

"I know." Yan lamang ang naging sagot ko. Punong puno ng tanong ang isip ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin or anong susunod na gagawin. Hinahanap ko si Dad sa paligid pero wala siya. 

"Chief, I'm Wyatt Garcia, I'm a lawyer at Lopez Aquino Firm. This is Briella Lopez yung pinadalhan ng box." Tumango tango naman ang pulis at detective na kakalabas lang ng interrogation room. 

"If it's possible, pwede bang puntahan yung pick-up address ASAP? Baka kasi makawala pa yung suspect." Sabi niya, agad namang nag tawag ng mga pulis ang detective. 

"Sige po Mr. Garcia, we will check on the address binigay naman din ni Mr. Marcial and willing silang makipag tulungan para mahanap ang suspect." Tumango si Wyatt. 

"Thank you." 

Humarap siya sa akin. "Everything will be okay. For now, ihahatid na kita pauwi." 

"Ha? Eh paano si Julia?" 

"Okay lang ba kung si Dennis na lang mag hatid sayo Juls?" Tanong ni Wyatt. 

'Juls? Really?!' 

"Opo okay lang po sir. Mag iingat po kayo Maam Briella." Tumango ako. Nilapitan naman ni Dennis si Julia at nag lakad na si Wyatt papalabas ng station. 

First time to, wala akong mga body guards. Kaming dalawa lang at walang nakasunod sa amin. Sumakay siya sa sasakyan niya, binuksan ko ang pinto sa passenger seat, kataka takang hindi niya ko pinag buksan ng pinto. 

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon