Dalawang araw makalipas ang pag uusap usap namin ay umuwi na ang mga Wong sa Italy. Hindi pa din namin nakakausap ng maayos si Kevin. Umiiwas siya at hindi sumasagot sa mga tawag namin.
"Should we push back the wedding?" Tanong ko kay Wyatt, simula nung nalaman naming lahat ang tungkol sa mga Dela Rosa.
"What if we do an intimate wedding instead? I really want to marry you as soon as possible." Parang may humaplos sa puso ko at hindi ko siya matanggihan dahil maging ako ganon din.
"Yes, we do that." Nakahiga lang kami, ayaw niya akong paalisin ng bahay ayaw din muna niyang umalis sa tabi ko, kahit ilang beses ko ng sinabi na okay lang naman ako.
Kinausap na din ni Wyatt si Katrina na papuntahin ng Hongkong si Helga para kahit papano mabawasan na ang iniisip namin. Ang pakiramdam ko ngayon anytime sasabog ang mga Dela Rosa at pwede nila kaming saktan at natatakot ako para samin ni baby. Wyatt said it's not wise to confront them, baka may mga gawin sila samin, and as much as possible dapat hindi nila malaman na alam na namin.
Kaya din gustong gusto kong makausap si Kevin para malaman kung kamusta sila ni Trisha, delikado ang ginagawa niya. Nakatira sila sa iisang bahay at hindi namin alam ang takbo ng utak ni Trisha or ng mga Dela Rosa.
"Is it okay to visit Kevin?" Tanong ko kay Wyatt na busy kaka tablet.
"It's okay but it's not safe."
"I really want to know if he's okay."
"We can visit him."
Matapos naming maghanda ay pumunta kami sa LMH na papalitan na pala ng pangalan this month, hindi na magiging Lopez ang hospital na tinayo ni lolo. I wonder if ang mga Dela Rosa din ang may pakana ng pagkuha ng mga properties namin.
"Oh, napadaan kayo dito." Si Wesley. Kasama din namin sila nung nag usap usap kaya aware siya sa mga nangyayari.
"We want to talk to Kevin sana."
"Hindi siya pumasok, 2 days na. Di din sumasagot sa tawag." Halatang nag aaalala na din si Wesley.
"Let's check on him sa condo niya." Sabi ko. Tumango si Wesley.
2 PM pa ang out ni Wesley dahil nga hindi na samin to ay hindi na siya basta basta nakakalabas kahit kelan niya gusto. Inantay namin siya ni Wyatt habang sinusubukan ko padin siyang tawagan. Alam kong nag aalala din si Wyatt sakanya, matagal na silang magkaibigan.
Pag ka out ni Wesley ay agad kaming nag lakad pa punta sa condo ni Kevin.
"I still can't believe that the Dela Rosa are behind all of these." Sabi ni Kevin.
"Sssshhhh." Pag saway ko dahil baka may makarinig samin. Nasa likod namin si Wyatt at sa likod niya si Jeffrey.
"Baka may makarinig sayo, wag maingay." Bulong ko. Nag bukas na lang siya ng ibang topic at tungkol yun sa nalalapit na kasal namin ni Wyatt pero hindi ko masyado naintindihan dahil na din sa kaba ko. Naiwan si Jeffrey sa baba ng condo para siguraduhing walang nakakasunod samin.
Matagal bago buksan ni Kevin ang pinto, sumilip lang siya at maliit lang ang pagkakabukas.
"Ano ba!?" Sigaw niya, nagulat kaming lahat sa reaksyon niya eh kakadating lang namin.
"Is Trisha there?" Mahinang tanong ko. Dahan dahan niyang binuksan ang pinto, at pumasok kami.
"What the fuck??!!" Sigaw ni Wesley ng makita namin si Trisha na nakatali sa upuan, at ngayon lang namin nakita ang hawak ni Kevin na baril.
"Dude, why are you holding a gun?" Tanong ni Wyatt sa pinaka kalmadong paraan.
Hindi ako makapag salita, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Kevin ngayon, natatakot ako sa mga tingin niya.
BINABASA MO ANG
Corporate Affair (Completed)
Storie d'amore"I'm sorry, but my client will not settle." Boses na ng galing sa kanyang likuran, agad naman siyang lumingon. "I knew it was you." Umupo ang matipunong lalaki sa harap ni Briella. "Any way, if you're client don't want to settle then why am I here?"...