THIRTY TWO

1.6K 25 5
                                    

Briella's POV

'Life happened. My family in Hongkong needed me so I have to go there, and left her here. It was really a hard decision to make, I was madly in love with her, well I still am.'

I was reading today's featured news on E mag. Eto yung interview ni Wyatt nung isang araw. Ang bilis naman nilang na publish.

And I was not expecting him to say that.

'I'm madly inlove with her she was my life.'

Okay so iniwan niya ako for his family. I'm trying to calm down, pero at any moment pakiramdam ko susugurin ko siya sa opisina niya sa sobrang inis.

"Bessy." Lumingon ako sa pinto.

"Ay, nag babasa ka na pala." Napatingin siya sa magazine na hawak ko.

Huminga ako ng malalim.

"Max, I need some air."

"Tara, labas muna tayo."

Lumabas nga kami ni maxine at pumunta sa nearest cafe.

"Alam mo Max, gustong gusto ko siyang kausapin."

"Naiintindihan kita, maski ako nung nabasa ko yun naapektuhan din paano ka nalang kaya."

"What could've happened if he told me? Kami pa kaya? Maantay ko kaya siya? kasi sabi niya I'm one of the reasons why he came back. Kung wala ba akong boyfriend magiging kami ulit? Mas ginulo niya ako." I know I can be honest with Maxine. Wala naman na din siyang hindi alam sa kin.

"Bessy Kalma. It doesn't change the fact na iniwan ka na niya. Nangyari na yung nangyari. Kahit ano pang sabihin niya ngayon nasaktan ka na."

"Right. Maiinitindihan ko naman kung sinabi niya yun sakin." Ang bigat bigat ng nararamdaman ko, parang may kung anong dumagan sa dibdib ko at hindi ako maka hinga ng maayos.

"Exactly, kung sinabi niya sayo. Kaso hindi B."

Di ko napigilan yung mga luha ko. Naiinis ako, napipikon ako.

"Aalis na din naman daw siya B." Dagdag ni max.

"Ha?"

"Hindi mo ba natapos yung article? Sabi niya babalik daw siya HK after a month or 2."

"Hindi nako naka abot diyan na part. Babasahin ko nalang uli mamaya." Mahinang tugon ko.

"Wag na B, baka ma highblood ka nanaman."

"Ano ba naman din kasing interview yun, bat tungkol sa lovelife niya? Di ba dapat regarding sa case niya."

"Balita ko beki yung nag interview sakanya, mukang type yata siya bess. Saka palagi namang ganyan yung laman ng magazine na yun."

"Lahat nalang nag kakagusto sakanya. Kulang nalang mga insekto magkagusto din sakanya."

"Eww, ako di ko siya type."

"Kasi naging Ex ko siya pero pupusta ako kung nakilala mo siya sa ibang sitwasyon baka mag iba ung isip mo."

"hay nako bessy, iinom mo nalang yan ng kape. Affected ka masyado."

"Okay na ako."

Hindi pa ako okay. Napipikon padin ako pero kaya ko ng itago.

Bumalik na kami sa opisina ni Maxine.

"Sure ka B, okay ka na?"

"Yes po. Okay na ako. Thank you Max."

"You're always welcome."

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon