THIRTY EIGHT

1.9K 35 4
                                    

BRIELLA

Isang linggo na ang nakalilipas mula ng Anniversary, isang linggo na din kaming nag papakiramdaman ni Richard.

Kahit di niya sa sabihin ay alam kong may kakaiba sa mga kinikilos niya. Minsan ay sobrang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Naiintindihan ko naman yun at kasalanan ko din kung bakit nag kakaganito ngayon.

Gumagawa din ako ng paraan para bumawi sakanya, minsan ay nakikisama siya pero madalas siyang wala sa opisina kaya nahihirapan akong ireach out siya.

"Brie, sira din ba extension line mo?" Nagising ang diwa ko sa boses ni Mike.

Agad kong chineck ang line ko.

"Hala, oo walang tone. Bago lang to?" Tanong ko.

"Mga 30mins ago." Sabi ni Mike. Tumango ako. "Check ko nalang sa IT." Dagdag pa niya.

Kaya pala walang tumatawag simula kaninang umaga. Di pala nakakapasok ang calls.

"Aaaaahahhh"

"Waaaaaahhhhhhh"

"Aaaaahhhhhh"

Tilian ang narinig ko, saan galing yun.

May 2 lalaking may dalawang mga baril ang nag lalakad.

"Ikaw, labas diyan." Sabi ng isang armadong lalaki, nakatutok ang baril niya sa akin.

"Lumabas ka na diyan!" Sigaw pa niya.

"Sino kayo?"

"Papasabugin ko tong building na to kung di ka lalabas diyan, labas!"

Nanginginig ang mga kamay ko, hinablot ko ang cellphone at lumabas. Pero agad din niya itong kinuha.

"Wala tong silbi, walang signal dito sa loob." Tumawa pa siya, dinala niya ako sa Conference room E.

Pag dating doon ay naroon ang ilang mga kasamahan namin sa trabaho, galing sa associates at Senior partner ay mag kakasama, si Dad at ang ibang partners ay wala rin.

"Asan si Dad?? Kilala mo ba kung sino ako??" Tanong ko sa lalaking armadong nag babantay sa pinto.

Humalakhak siya. "Kayo ang rason kung bat namin to ginagawa." Natigilan ako. Malamig ang tingin niya sa akin at binitawan niya ang braso ko.

Biglang pumasok ang dalawang lalaki at hawak hawak ng isa sa kwelyo si Richard.

"Chard, are you okay."

"What is happening?" Narinig kong boses ni Mike sa likuran.

"Sino sila Brie?" Si Maxine.

Dahil malaki ang conference room E ay napag kasya niya ang mahigit 20-25 katao at 8 silang bantay sa loob ng kwartong iyon. 3 sa mag kabilang pinto at ang dalawa ay palakad lakad.

"Boss, eto ang sexy oh." Galing sa pintuan ay ipinasok nila si Kelly na mangiyak ngiyak. May ilan ding kasunod niyang mga associates ang pinasok nila.

Agad siyang nilapitan ni Richard. Naiwan ako sa likuran.

"Are you okay?" Tanong nito at inakay papuntang likod.

"Miss sexy, anong pangalan mo?" Tanong ng isang nag iikot ikot.

Hindi sumagot si Kelly at nakatungo lang ito. Ang iilan ay nag iiyakan na din. Hawak hawak ko ang kamay ni Maxine.

"Max, kinakabahan ako"

"May darating kayang tulong satin?" Tanong niya.

"Miss sexy, aba hindi ka sumasagot ah." Nilapitan na siya ng kaninang palakad lakad na bantay.

Corporate Affair (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon